39th ♥

230 5 0
                                        

Alvina's POV



Papasok na sana ako ng gate nang may humawak sa braso ko at hinila ako hanggang sa likod ng school.



Si Brittany.



Siya yung babaeng nagbantang ahasin si Jaylon at ngayon si Jett.



Naahas nya na kaya si Jett?



Kaya ba ganun na lang niya ako tratuhin?



"Bitawan mo ko, ayoko ng gulo--"



--hindi niya ko pinatapos.



"Kakapalan ko na ang mukha ko Alvina--"



--hindi ko rin siya papatapusin.



"Matagal ng makapal ang mukha mo, Brittany! Ano? Masaya kana ba? Naagaw mo na si Jaylon, tapos ngayon pati si Jett--"



Aba't hindi rin ako pinatapos ng loka.



I wonder..



Kung umiiyak ba yung mga katulad nya?



Now I know dahil umiiyak siya.



Tao rin pala siya, my bad.



"Alvina wala akong ginagawa. Wala akong ginawa kay Jett okay? Wala akong balak na agawin--"



I laughed.



"Wait? Maniniwala na ba ako sa himala? Wala kang balak na agawin si Jett? Dahil ano? Dahil may kapalit? Kaya ba hinila mo ko dito dahil sa kondisyon mo--"



Lintek!



Ano ba 'to?



Putulan ng mga sinasabi?



"Look, ayoko na rin ng gulo. Just listen to me first Alvina."



Mananahimik nalang ako at makikinig para matapos na.



"Alam kong marami akong nagawa sayo. I also know that you wouldn't believe me, but swear I regret all the pain I've caused you. I regret it all Alvina. I'm sorry, nakalimutan kong maging mabait."



Omyghad is it real?



Masyado lang akong nanibago na nag so-sorry ang isang Brittany sa harap ko ngayon.



Hindi naman sa hindi ako naniniwala, kasi mukhang sincere siya, I'm just shookt.



"Naiinggit ako kung bakit hindi ko kaya maging masaya kagaya ng iba. Bakit may mga nagmamahal at tanggap sila kung ano sila, pero ako pakiramdam ko walang tumatanggap at nagmamahal sakin. Bakit yung iba lahat ng gusto nila nakukuha nila. Bakit may mga bagay na meron sila na wala ako. Napaka-unfair ng mundo sakin!"-Brittany.



"You should go to church every sunday Brittany. Pumunta ka rin sa bahay ampunan, magdala ka ng school supplies or foods para sa mga bata na nangangailangan. Baka pag nakita mo sila, maisip mo na swerte ka. Hindi mo kailangan mainggit kasi kaya mo rin maging masaya, alisin mo lang yung inggit mo sa katawan."



"Lahat tayo humihinga, may mukha, may katawan. Pantay-pantay tayo lahat dito sa mundo, kaya kung kaya nila, kaya mo rin. May taong nagmamahal sayo at syempre may taong tatanggap sayo Brittany, just wait. But you need to change yourself for the better."



"At kung may mga bagay na meron sila, may mga bagay rin na wala sila na meron ka, Brittany. Hindi mo lang yun nakikita dahil tumitingin ka sa kakulangan mo na nakikita mo sa ibang tao."



"Palagi akong minu-mulat ng mga bini-bitawan mong salita. Tama ka lagi Alvina, masiyado akong kinain ng pag ka-insecure ko. Hindi ako nakuntento sa mga bagay na meron ako at pilit ko pang pinag-sisiksikan yung sarili ko para lang magustuhan ng iba. I even do stupid things! I know I'm bitch at sobra na, hindi na maganda."



"Hindi ko hinihiling na mapatawad mo ako sa ngayon, but I just want you to know that I really feel guilty and I can't take it anymore that's why I'm so sorry. Pakisabi rin kay Jett sorry and thanks to him, kasi kung hindi dahil sa ginawa nya, wala ako dito ngayon. Pero swear, I really feel the need of sorry, I'm sorry! Sorry--"



"Teka nga. Teka lang Brittany ah? Hindi naman ganun kabilis mag sink-in lahat ng sinabi mo sa utak ko. Diretsuhin mo nga ako hindi ko maintindihan eh. Anong ginawa ni Jett--"



I stop when she wiped her tears and laugh.



Aish, I never imagined I would see her in this kind of situation.



"Hindi mo kasi ako pinapatapos. Alam mo, hindi ko in-expect na sa kabila ng lahat ng kamalasang nadulot ko sayo, binibigyan mo pa ako ng oras na ma-explain yung side ko ngayon sa harap mo. Thank you sayang lang at hindi ko manlang nabigyan ng chance yung sarili ko na magpa-kilala sayo ng maayos, parang ang sarap mong maging kaibigan Alvina."



"Oo naman, hindi lang parang, dahil masarap talaga ko maging kaibigan. Ikaw lang naman ang may problema, inaaway mo ko eh. Pero gaya ng sabi ko marami pa namang time para magbago at maging friends tayo!"



"Talaga? It means mapapatawad mo ko?"-tanong niya natawa naman ako.



"Oo naman noh! Mukha namang sincere ka sa lahat ng sinabi mo, so apology accepted. Wala namang mangyayari kung magagalit ako. Baka matulad ako sayo."-sabi ko kaya pareho kaming natawa.



"Thank you talaga Alvina."



Nagulat ako ng yakapin niya ko.



I tap her shoulder at bumitaw siya ng nakangiti.



"Alam ko wala akong karapatang humingi ng favor sayo. Pero sana makumbinsi mo si Jett na bawiin niya yung sinabi niyang gagawin niyang miserable ang buhay ko. Nag a-apply ako ng work, pero halos lahat ng na-aplayan laging sinasabi na hindi daw nila ako pwedeng tanggapin dahil yun ang sabi ni Jett. Susundin nila yun since ang family nila Jett ang may malaking na share sa company. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Halos lahat ng napag-aplayan ko hindi ako tinatanggap. Alvina, kailangan kong mag working student dahil ang tatay ko nasa hospital, hindi namin alam kung saan kami kukuha ng pambayad sa hospital--"



"As for now, hindi ako pinapansin ni Jett. Pero don't worry, kakausapin ko siya tungkol dito. Sorry sa ginawa nya."



"I should be then one who is saying sorry. Binalaan niya ko na layuan ka, pero hindi ko ginawa at sinaktan pa kita. Kasalanan ko, I'm sorry Alvina. Pero please kausapin mo siya kailangan ko talaga 'to. I really need to go. Maraming salamat and I'm really sorry for everything Alvina."



Inabutan ko siya ng money for her father's sake.



Hindi nya raw yun matatanggihan dahil kailangan nya talaga.



Babawi daw talaga siya.



Hays mas lalo ko siyang naintindihan nang malaman ko yung side niya.



Pero hindi pa rin iyon dhilan para maging masama hindi ba?



But seriously I'm so happy for her.



She finally admitted her wrong doings.



Nabawasan ng tinik sa dibdib ko.



Sana magbati na rin kami ni Jett.



Kailangan naming mag-usap.

"He Changed Me.." [Editing]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon