Z 4

531 37 4
                                    

JANE

"Saan dito ang mas bagay sa'kin?" Nakangiti kong nilingon ang aking kaibigan.

Ipinakita nya sa akin ang blue dress at red dress. Parehong maganda ang dalawa, halatang propesyonal ang gumawa nito.

Sya si Erika Gomez, 18 years old. Kaibigan at classmate ko.

"I suggest the blue one." Sulpot ni May. Her full name is May Gomez, ate ni Erika. May pagkamataray pero mabait sa aming mga kaibigan nya.

"Nah, the red one's better." Ngisi kong sabi, I saw how May's face crumpled in annoyance. Magsasalita pa sana sya pero mabilis ko nang hinablot si Erika dala-dala ang red dress.

Rinig ko pa ang pagtawag ni May sa amin ngunit tinawanan lang namin sya. Ang sarap nya talagang asarin, namumula kasi sya.

Nandito kami ngayon sa isang mall at nagsho-shoping kasi malapit na naman ang pasukan. Tapos na akong bumili ng mga gamit ko kaya sinamahan ko na lang ang dalawa.

"1,500 po ma'am" Ibinigay ni Erika ang bayad sa cashier at hinila ako para umalis.

"Asan na yung ate mo?" Takang tanong ko nang mapansing hindi ito nakasunod.

Iling-iling lang na sumagot si Erika. "Don't worry Jade, she said na magkikita lang daw tayo sa may parking lot ng Mall." Napatango ako sa saad nito.

Hawak-kamay kaming naglakad palabas  ng mall habang bitbit ng isa nyang kamay ang pinamili nya. "Excited na talaga akong makita sa paaralan ang bebe Josh ko kyahhh!" Tili nito. Napailing nalang ako. May malaking crush si Erika sa kay Josh Frontier, ang dakilang play boy ng paaralan.

Hindi naman yon maiiwasan, masasabing napakagwapo talaga ni Josh kaya halos lahat ay nagkakagusto sa kanya. Pwera nalang sa akin kasi may may gusto na akong iba.

Sa tuwing nagbobonding kami ay palagi talagang isinisingit ni Erika si Josh sa usapan, inlove ang gaga.

"He will never be yours Erika." Pang-aasar ko dito. She pouted at galit na dinuro ako.

"Stupid Jane! Parang di kaibigan." Nagtatampong saad nito.

Tinaasan ko sya ng kilay at sya naman ang dinuro. "Did you just call me stupid? You ugly duckling!"

"I'm not a duck, you moldy cheese!"

"Talk to my hand, noisy parrot!"

"At least cute ang parrot!"

"Who said? Nakakainis kaya yan sila!"

"Stop acting like a menopausal lady!"

Napatigil kami sa asaran nang makarinig ng ilang sigawan. Sinundan ito ng iyakan.

"Ahhh they're here!"

"Mom??"

"T-tulungan nyo kami-Ahhh!"

At sunod sunod na pagbabanggaan ng sasakyan ang aming nadatnan. Kitang-kita ko kung paano dambahin ng isang babae ang lalaki bago ito kagatin sa leeg. Sumirit at lumabas ang mapupulang dugo ng lalaki. Matapos iyon ay isa-isang lumapit ang iba pang tao at pinagtulungang kagatin ang lalaki.

I can't find a words to say, ramdam ko ang nginig ni Erika sa aking tabi. "J-jane." Utal nitong sabi.

Napaatras ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Erika nang lumingon sa amin ang ilang tao. Hindi ko alam kung tao pa ba sila.

Aksyon na tatakbo ang mga ito papalapit sa direksyon namin ay mabilisan kong hinila si Erika at sabay kaming tumakbo.

"J-Jane ang ate ko." Usal ni Erika sa gitna ng pagtakbo namin. Napatigil kami nang may makitang grupo ng mga tao na nagkukumpulan sa unahan. Sinenyasan ko si Erika na tumahimik.

Z+ [CRAZIEST AMONG THEM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon