Z 12

264 19 1
                                    

Masuyo kong pinagmamasdan si Raze. He's drinking his milk. May tumutulo pang gatas sa kanyang bibig na agad ko namang pinupunasan.

"Hey, Zein." Saad ng lalaking nakahiga, at nakatalikod sa aming pwesto.

Inunan ko ang dalawa kong braso. "Hmm?" I asked Blake.

"I've been dying to ask this, but is Raze your ah- your biological son?" He asked.

Napatitig ako sa dumededeng bata, how I wish..

"Hindi." Sagot ko rito.

"Kung ganoon, asan ang totoo nyang magulang?"

Dahil sa tanong nya, bumalik na naman sa akin ang tagpo namin ni ate Celine. It's as if someone clenched my heart kaya't hindi ko nasagot si Blake.

It's as if the reality just struck me..

Lalaking walang totoong magulang si Raze..

He'll grow up without even seeing his Mom's face..

Napuno ng pagkamuhi ang aking dibdib. I swear, kung malalaman ko lang na sinadyang gawin ang virus na ito ay hahabulin ko hanggang sa kailaliman ng mundo ang may pakana nito.

Millions of lives are destroyed, innocent lives at that..

Sana'y mamatay sya sa konsensya, o kung meron pa man sya non.

"I.. I'm sorry for asking such private question." Nabalik lamang ako sa reyalidad dahil sa boses ni Blake.

Hinarap ako nito kaya nama'y nagkatitigan kaming dalawa. His emerald-like eyes stared at me. Ngayon ko lamang napansin, may lahi ba si Blake? He looks like a foreigner.

Napapagitnaan namin ang nahihimbing nang bata. Raze already finished drinking his milk.

"Sa tingin mo ba'y matatapos din ang kaguluhang ito?" Napaisip ako nang malalim sa naging katanungan ng lalaki.

I just shrugged. "If there's an antidote, yes."

"Paano kung matatagalan bago makagawa ng antidote? We don't even know kung may mga buhay pang researchers o scientist na sumusubok makahanap ng gamot para sa pandemyang ito." I could hint a bit of sadness on his voice.

"Then we're fucked up." Mas lalong nawalan ito ng pag-asa sa sinabi kong iyon kaya nama'y agaran ko ring binawi. "Nah, if that happens, we're already safe here. Wala namang mangyayari sa atin sa camp na ito." Dagdag ko.

"But what about those other people who are outside this safe sanctuary of ours? Those who tried their hardest to survive outside?"

Tumabingi ang aking ulo sa sinabi nya..

I bit the insides of my cheeks..

Hindi ko iyon naisip..

I'm only focused on thinking about mine and this baby's life..

But am I that evil kung sasabihin ko ngayong wala naman akong pake sa mga taong iyon?

We have our own lives to think on these kind of time, I'm not obligated to worry about millions of stranger's safety.

Hindi ko na kargo ang mga taong nasa labas ng kampong ito..

They only have their own self to rely on..

"Then goodluck for them." I said without any empathy.

Narinig ko na lamang ang malalim na buntong hininga ni Blake. He's disappointed, I'm sure of that.

But like.. who in the heck gives a fuck?

NAGISING akong wala na sa tabi si Blake. He's probably out, wandering around.

Z+ [CRAZIEST AMONG THEM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon