Z 5

511 39 8
                                    

Itinagilid ko ng maayos ang ulo upang matingnan silang mabuti. Itinigil ko rin ang pagkagat ng biscuits.

Apat silang lahat, ang isang babae ay may hawak na palakol habang nakahawak sa isang pang babae, magkamukha sila, magkapatid ata. May kasama rin silang isang lalaki, may dala-dala itong baril habang magulo ang buhok. Nanlalaking matang napatingin naman sa aking ang isa pang babae.

"Hi!" I can't find the right words kaya kinawayan ko na lang sila.

They looked at me with a shock expression..

Napansin kaya nilang infected na ako?

"A.. A goddess!" Di makapaniwalang sambit nung babaeng may hawak na palakol.

I looked at her with confusion..

Papaanong napunta sila dito..

'Umalis ka! You can't trust them!' Napahawak ako sa aking ulo dahil sa tinis ng sigaw nya.

Hindi ito tumigil sa kakasalita sa aking isipan. Napadausdos ako ng upo at marahas na sinabunutan ang aking buhok.

"Are you okay?"

Ang ingay nya..

Gusto ko syang patahimikin..

Gusto ko syang alisin sa aking sistema.

'But you can't, I am you. Iisa lang tayo'

Tama na!

'You want to live right? Umalis ka sa lugar na ito!'

Upang tumigil sa kanyang kakasalita ay padarag kong hinawakan ang aking bag at walang lingon-lingong nilampasan ang apat.

"Miss! Maraming infected dyan sa labas, you'll get eaten!" Rinig kong pagtawag sa akin ng lalaki. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

Palakad-lakad ako sa kawalan. Hindi ko namamalayang gabi na pala.

"Kailangan kong humanap ng mapaglipasan ng gabi." Bulong ko sa sarili.

May nakita akong umiilaw sa gitna ng dilim..

Nilapitan ko ito..

"Mall?" Taka kong tanong.

Bumungad sa akin ang isang malaking gusali, may parte itong umuusok na. May mga nagliliwaliw na infected sa labas at loob nito.

Hindi nila ako gagalawin kahit na makita nila ako..

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag at mahigpit iyong hinawakan.

Mahina akong naglakad papalapit dito..

Dinaraanan lang ako ng iba sa kanila..

They won't even spare a single glance at me..

Mabuti.

Para mapabilis ang trabaho ay tinakbo ko na ang entrance. Napanganga ako nang bumungad sa akin ang loob.

May mga nakalupasay na bangkay, parang dinaanan ng bagyo ang mga paninda. Napupuno ng dugo ang sahig. Puro ungol lang ng infected ang aking naririnig.

Dahan-dahan akong naglakad dahil baka may matapakan akong bangkay..

"Shit!" Mura ko nang makaapak ng isang madulas na bagay. Tumunog pa ito na barang nabali.

I look at it horrified. Isang bungo ng tao! Mabuti na lang at napigilan ko ang aking sigaw. My face crumpled in disgust.

Ngiwi kong nilingon ang suot na sapatos..

Napupuno ito ng dugo..

Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo ako papunta sa isang stall ng mall. Puno ito ng mga mamahaling sapatos.

Z+ [CRAZIEST AMONG THEM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon