SHE'S IN THE RAIN

33 0 0
                                    

You can play the lyric video while reading this

_____________________________________________

Malalim na ang gabi at sinabayan pa ito ng malakas na buhos ng ulan. Mabuti na
lamang ay nakakita kaagad si Timothy ng istasyon ng bus na pwede nitong silungan kaya ay hindi siya nabasa.



Doon ay nakita niya ang isang babae na tahimik na nag-aantay; nakatulala sa kalagitnaang pagbuhos ng ulan.Nakasuot ito ng dilaw na bistida na siyang maaliwalas sa mata. Umupo si Timothy, ilang metro ang layo sa pwesto ng dalaga. Binalot ng katahimikan ang buong paligid at tanging tunog ng pagbuhos ng ulan ang nanaig.



"Anong pakiramdam sa gitna ng ulan?" tanong ng dalaga habang diretso ang tingin. Nagulat si Timothy at takang tumingin dito. Hindi alam kung siya ba ang kinakausap.



"Ako ba ang kinakausap mo?" tumango rito ang dalaga dahilan para matitigan niya ang kanyang mga mata. "Malamig at basa, bakit mo naitanong?"



"Anong pakiramdam mo sa gitna ng ulan?" tanong ulit ng dalaga at hindi pinansin ang tanong ni Timothy.



"Pakiramdam ko ay nawawala lahat ng mga isipin ko sa buhay at naidadala ito ng tubig pababa. Pakiramdam ko ay walang imposible sa gitna ng ulan na kapag nababasa ako ay wala akong iniisip kundi ang masayang ala-ala ko sa buhay. Malamig pero nakaka-kalma. They say things work out on rainy days, that unexpected things appeared when it rains and I believe that is true"



"Paano mo nasabi?"



"Sabihin na nating lahat ng magagandang dumarating sa buhay ko ay dumarating sa tag-ulan" nginitian ni Timothy ang dalaga. Sakto naman at dumating na ang bus na sasakyan ni Timothy pauwi. Huminto ang bus sa kabilang istasyon kaya kinakailangan niyang lumusong sa ulan.



Bago pa man ito tumakbo ay pinigilan siya ng dalaga at ibinigay ang dilaw na payong. Hindi niya ito tinanggap pero nagpumilit ang dalaga kaya sa huli ay kinuha niya na rin ito. Bago siya tuluyang umalis, nilingon niya ito at tinanong niya ang kanyang pangalan.



"Amaya" ani ng nakangiting dalaga sa binata at tuluyan na nga siyang umakyat sa bus. Hindi maunawaan ni Timothy kung ba't hindi mawala sa isip ang dalaga na nagpakilalang Amaya, ang ideyang pumasok sa kanyang isipan ay hintayin si Amaya sa istasyon upang ibalik ang payong.



Ganon nga ang ginawa niya kinabukasan at sa pagkakataong ito ay napakaaliwalas ng panahon ngunit nabigo ito sa paghihintay buong araw hanggang gabi dahil hindi dumating ang dalaga.



Hindi sumuko si Timothy at ginawa ulit ang paghihintay kinabukasan at nabigo ito ulit. Ang paghihintay at pagkabigo ay tumagal ng ilang linggo hanggang sa isang gabi, pinangako ni Timothy sa kanyang sarili na iyon na ang huling gabi na siya ay maghihintay sa dalaga.

She's In The Rain (Kim Mingyu) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon