Teasing Each Other 2

32 1 0
                                    

Wendy’s Point Of View

            Andito ako ngayon sa garden ng school namin. Dito ang favorite kong tambayan sa school na ‘to. Pumikit ako para i-feel ang hangin.

            “Ang sarap talaga ng hangin dito,” sabi ko sa sarili ko habang nakapikit parin.

            “Anong lasa?” napadilat ako at tiningnan kung sino ang nagsalita.

            “Krisha?! Kalian ka pa natuto maging pilosopo?” tanong ko. Siguro tinuruan siya nung Renzong ‘yon.

            “Bakit? Ayaw mo bang gan’to ako?” nakangiti niyang sabi na parang nang-aasar pa.

            “Ayaw ko,”  sagot ko. Parang nagulat pa siya sa sinabi ko.

            “Grabe ka naman…. Bakit? Ayaw mo ba na magkapareho na tayo ng attitude?” nakanguso niyang sabi. ‘Nu ba ‘yan, ang ayaw ko pa naman sa lahat e yung ngumunguso pa siya sa harap ko. ‘Di kasi sa kaniya bagay.

            “Sa hindi naman ayaw ko, iba lang kasi ang ugali ng nakilala kong Krisha. Just be yourself Krisha. ‘Wag ka na lang basta-basta gagaya sa iba, mas mabuti pang may sarili kang ugali. Love your own,” explain ko sa kaniya. Bigla akong may narinig na pumapalakpak.

            “Bravo, bravo, bravo. Nice quotes ha. ‘Di ko akalain na marunong ka palang gumawa ng quotes, akala ko kasi pamimilosopo lang ang alam mo,” natawa pa siya sa sinabi niya sa huli. Si Renzong ewan.

            “Aba! Paano ka nakapasok dito?!” tanong ko. Hindi naman kasi siya nag-aaral dito kaya tinanong ko siya.

            “Hala! Hindi mo pala alam na nag-aaral ako dito? Kawawa ka naman pala, ikaw lang pala ang hindi nakakakilala saakin dito. Sikat kaya ako,” hindi na ako nakaimik pa kasi medyo napahiya ako. Sikat dito?

            “Paano ka naman makikilala nito kung lagi ka naman absent? At saka hoy! Kapal mo ha, sikat daw. Paano ka naman magiging sikat dito kung lagi ka namang absent? Baka naman sa klase niyo lang ikaw sikat. Isip-isip din ‘pag may time,” depensa saakin ni Krisha. Buti nalang may kaibigan akong matalino. Pero mukhang ‘di parin nagpapatalo si Renzong ewan.

            “Sorry…. Wala kasi akong time kaya nagkamali ako,” tawa pa siya nang tawa nang sabihin niya ‘yon. akala ko pa naman seryoso ang sorry niya. Umalis nalang ako.

            “Sandali lang Wendy, saan ka pupunta?!” sigaw ni Krisha saakin kahit ‘di pa ako masyadong nakakalayo. Ang lakas kasing tumawa ni Renzong ewan.

            “Uuwi na ako! May isa kasi diyang nag biro na siyang lang ang tumatawa. Makatawa pa, wagas. ‘Kala mo wala nang bukas,” sabi ko sabay alis. Bigla nang tumigil sa pagtawa si Renzong ewan.

            “Salamat at uuwi na rin siya. Halika na rin Krisha, uwi na tayo. Baka hinihintay na ako ng GIRLFRIEND ko,” pinagdiinan niya pa yung ‘Girlfriend’. Sandali, may pumapatol pa pala sa lalaking ‘yon? Aba, hindi halata ha.

~~~~****~~~~

            Sa totoo lang, hindi pa naman talaga ako umuwi, dumiretso ako sa coffee shop. Doon din ako madalas gumagawa ng assignment ‘pag meron. Wala naman kasi akong kasama sa bahay. Si mommy and daddy lang naman kasi lagi nalang nasa work. Si daddy ang boss sa office niya. Si mommy naman ganun din, silang dalawa ang boss sa company nila. Ako daw ang tagapagmana. Ayaw ko naman kasi iba naman ang gusto ko.

            Lagi nalang ang company ang inuuna nila. Lagi nalang sila walang time para saakin. Kahit mamasyal lang kami sa isang mall hindi man lang nila magawa para saakin.

            Sana may kapatid naman ako para siya nalang ang kasama ko sa bahay, kabonding ko, at siya nalang ang tagapagmana ng company nila mommy. O diba, masaya ‘yon. Kaso ako lang talaga ang anak nila, only child lang ako.

            “Akala ko uuwi ka na, bakit nandito ka pa?” tumingin ako sa nagsalita.

            “Bakit ikaw? Akala ko ba din uuwi ka na kasi baka hinihintay ka na ng GIRLFRIEND mo,” pinagdiinan ko pa ang girlfriend. Si Renzong ewan talaga, mukhang ewan talaga.

            “Umupo ka nga,” sabi ko. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero umupo na siya. Kahit nga ako nagulat eh. Bakit ko ba siya pinaupo? Magkaaway kami nito ha.

            “O, bakit hindi ka makasagot sa tanong ko? Siguro wala ka talagang girlfriend noh. Hahaha! Sabi ko na nga ba walang papatol sayo,” sabi ko.

            “Uy, hindi ah. May girlfriend ako, nagkita na kami kanina kaso sabi niya saakin may importante pa daw siyang lakad. E, ikaw, bakit hindi ka pa umuuwi?” bakit parang seryoso siya ngayon? Kanina lang ang lakas-lakas tumawa.

            “Wala kasi akong kasama sa bahay, kaya dito ako madalas,” nagulat ako sa sarili ko kung bakit ko sinagot ang tanong niya. Hindi naman kami close.

            “Ahhh….. Pareho pala tayo,” sabi niya. Ano daw? Pareho kami?

            Umorder siya ng one slice of cake. Nilibre niya pa ako nun. Mabait naman pala ‘to. Wait, sinabi ko bang mabait siya? Hay… nababaliw na talaga ako.

            “Magkwento ka pa,” nagulat ako sa sinabi niya. Magkwento pa ng ano? Basta, nagkwento nalang ako tungkol sa buhay ko. Nagkwento din siya ng tungkol ng sa kaniya.  Marami kaming napagkwentuhan ng tungkol saamin.

Teasing Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon