Wendy's Point Of View
Naglalakad-lakad kami ni Krisha sa mall nung tapos na ang klase namin.
"Uy, ikaw Wendy ha," sabi ni Krisha.
"Bakit nanaman?" medyo naiinis kong tanong. Init kasi ng ulo ko kasi wala akong mapiling damit na maganda doon sa store kanina.
"Eto naman, galit agad. Ikaw kasi, kahapon nag date kayo ni Renzo sa coffee shop. Hindi man lang ako na inform," nagulat ako sa sinabi niya. Kami ni Renzong ewan.... Mag da-date?! Eww.. never!
"Hoy, hindi kami nag date nun, nagkataon lang na nandoon siya at nandoon din ako. Eto naman, magkasama lang, date agad?" naiinis kong sabi. Natawa lang siya.
"Oo nga pala, Krisha, may girlfriend ba si Renzo?" tanong ko. Ngiting-ngiting tumingin saakin Krisha. Eto nanaman siya. Tinatanong ko lang naman.
"Malay ko ba dun. Bakit? Gusto mong maging boyfriend?" hay.... That time tumingin na ako sa kaniya ng masamang masama na ayaw na niyang makita pa kahit kalian.
"Joke lang! Ikaw naman, nakakatakot ka talagang magalit," sabi niya. Mukhang natakot talaga siya. Nauna na akong maglakad at may nakabangga akong matangkad na lalaki. Si Renzo! Este, si Renzong ewan! May kasama siyang babae. Siguro 'yon ang girlfriend niya.
"O, Wendy, andito ka pala. Hello!" sabi niya saakin.
"Ay wala, wala. Multo nakikita mo," pilosopo kong sabi. Ngumiti lang siya. Aba, hindi ba siya lalaban saakin dahil nandiyan ang girlfriend niya?
"Siguro nga, multo ang nakikita ko," nakangiti niyang sabi. Umalis na sila. Nainis ako ng sobra. Lalonguminit ang ulo ko. Bakit hindi man lang siya lumaban saakin?!
"Uy, kalma ka lang Wendy," sabi ni Krisha. Sa sobrang inis ko, pumunta ako sa Ministop.
"Anong gagawin mo dito?" tanong saakin ni Krisha. Sumunod pala siya.
"Ano pa ba? Mag papalamig ako ng ulo. Ate, pabili nga ako ng ice cream, mix ha," sabi ko.
"Gusto ko din," sabi ni Krisha.
"Krisha, alam mo namang hindi ako mahilig manlibre diba!" sigaw ko sa kaniya. Kinuha ko na ang ice cream ko at humarap sa kumausap saakin. Gulat na gulat ako sa nakita ko. Si Renzo?! Si-si Renzong ewan!
"Hindi ako si Krisha, ayun si Krisha o," sabi niya sabay turo sa nakaupong Krisha. Hindi ako makapagsalita dahil nahihiya ako kasi siya pala ang sinigawan ko.
"Gusto mo ng ice cream? Sige, pili ka lang. Anong gusto mo? Nasa cone o nasa cup? Anong flavor? Chocolate o vanilla? O gusto mo mix? Pili ka lang, sagot ko," sabi ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa sa kaniya. Hindi naman ako nanlilibre.
"Gusto ko ng ganyan, para pareho tayo," sabi niya. Ano daw? Para pareho kami? Ayaw ko nga. Pero 'yon ang gusto niya. Sundin ko na lang.
Umupo na kami sa upuan ng Ministop. Nakapout na tumingin saakin si Krisha.
"Bakit ako hindi mo nililibre? Hindi naman kayo close nung Renzong 'yon para ilibre mo siya," parang nagtatampo pa ang tono niya.
"Hindi ko nga alam kung bakit ko ginagawa 'yon. Pero sige, dahil ikaw totoo kong close, ililibre kita ng ice cream at.... Basta, kung anuman ang gusto mo. Heto ang pera," sabi ko. Kinuha na niya ang pera ko sabay yakap saakin.
"Thank you Wendy! Sana naman hindi ka lang napilitan," sabi saakin ni Krisha sabay kalas ng yakap at dumiretso sa counter. Napansin kong nakatingin saakin si Renzong ewan.
"Bakit nanaman?" irita kong tanong. Ayaw ko kasing may nakatingin saakin habang kumakain. Nakakailang kaya.
"Pwede din ba akong yumakap sayo para mag pasalamat?" ano daw? Yakapin ako para mag pasalamat? Aba! Asa siya.
"Yuck! Ayaw ko nga," sabi ko na umarte pang nandiri. Parang nagpigil pa siya ng tawa bago mag salita.
"Hoy! Asa ka! Hinding-hindi ka makakatikim ng yakap ko. Uto-uto ka talaga kahit kalian," sabi niya na halatang nagpipigil ng tawa.
"Guys, alis na tayo dito. Kailangan ko na din kasing umuwi," sabi ni Krisha.
Umalis na kami sa Ministop. Umuwi na si Krisha. Naiwan ako at si Renzong ewan.
"Uuwi na rin ako, bye Renzong ewa... I mean Renzo," sabi ko. Ayaw ko din naman kasi siyang kasama dito sa mall. Baka may magsabi pang nag da-date kami dito. Yuck! Ayaw ko na!
"Wait lang... samahan mo muna ako dito. Hindi pa kasi ako uuwi," ano 'to? Siniswerte?
"Pake ko? Bahala ka na diyan. Gusto ko na kasing umuwi, e ikaw, diba ayaw mo pa. 'Wag ka naman mang damay ng iba," suplada kong sabi sa kaniya. Parang seryoso nanaman ang mukha niya.
"Wala naman kasing nag-aantay saakin sa bahay," sabi niya.
"E ako meron," sabi ko sabay talikod. Maglalakad n asana ako nang magsalita siya.
"Wala namang nag-aantay sayo, nasa work pa sila diba," nagulat ako sa sinabi niya kaya humarap ako sa kaniya.
"Paano mo nalaman 'yan? Stalker kita noh?" sinabo ko 'yon dahil wala akong pinagsasabihan nun kahit si Krisha hindi ko sinasabihan ng tungkol sa family ko.
"Kapal mo ha, hindi ako stalker, sinabi mo saakin 'yon. 'Di bale nalang, 'wag mo na akong samahan dito," sabi niya. Sinabi ko 'yon sa kaniya! Pero bakit?

BINABASA MO ANG
Teasing Each Other
FanfictionMapagbiro si Wendy pero si Renzo ay galit na galit sa mga biro ni Wendy kaya dinadaan niya ito sa kapilosopohan niya. Inis na inis naman si Wendy sa kapilosopohan ni Renzo kaya pinipilosopo na din niya si Renzo. Sa tuwing nagkikita sila, lagi nalang...