Papauwi na ako. Nag taxi ako papuntang coffee shop. Tumambay ako ng sandali at umuwi na rin. Nalakad ako papauwi. Kinukuha ko ang cellphine ko sa bulsa ko pero sandali... asan na? Hala! Nawawala!
"Miss! Cellphone niyo po," napatingin ako sa kaniya. Cellphone ko nga yung hawak-hawak niya. Parang namumukaan ko siya.... Siya yung kasama ni Renzong ewan sa coffee shop nung una kaming nag kita.
"Wendy, right?" kilala niya ako?
"Paano mo nalaman name ko?" tanong ko.
"Doon papunta bahay mo, diba, hatid na kita, doon din kasi papunta yung bahay ko," sabi niya. Nag lakad na kami. Inulit ko ulit yung tanong ko.
"Paano mo nalaman name ko?" tanong ko.
"Madalas kang ikwento sa akin ni Renzo. Ikaw yung babaeng inagawan niya ng pwesto sa counter diba," sabi niya. Alala niya din pala 'yon.
"Ah, oo. Inis na inis ako sa kaniya nun. 'Kala mo kung sino, gwapong-gwapo pa sa sarili, ewan lang naman siya at bakla," sabi ko.
"Ako na lang ang mag so-sorry para sa kaniya. Paki-intindi na lang siya, ganyan talaga siya kapag may nagu-gustuhang...." Sabi niya. Parang 'di pa siya tapos mag salita kaya 'di muna ako nag salita.
"Nagugustuhang pagkain, kaya nang-aagaw siya ng pwesto sa counter," sabi niya. Grabe pala yung Renzong 'yon. Ang takaw.
"O, dito na yung bahay ko. Salamat sayo, sige, ingat ka ha," sabi ko. Oo nga pala. Anong name niya?
"Oo nga pala, what's your name?" tanong ko.
"Ralph is my name, sige, bye!" sabi niya. Wow, gwapo ng name niya.
Pumasok na ako sa bahay. Nag pahilot ulit ako kay yaya Lora ng paa. Pagod nanaman kasi ako. Kinuha ko ang picture namin ni Patrick sa isang shopping bag. Naka frame na agad. Tinatawagan ko siya pero hindi ko ma-contact. Bakit kaya?
Kinabukasan, wala ulit kaming pasok. Andito lang ako sa bahay, nagi-internet... may wifi kami. Habang nage-enjoy manood ng music video ng exo, biglang may nag text sa cellphone ko. Unknown number. Tinignan ko ang message niya.
Unknown number: Good morning Wendy! Musta ang gising? Kita tayo sa coffee shop. Patrick 'to. My new number. Sorry, hindi ko agad nasabi sayo.
Si Patrick! Niyaya akong mag kita kami sa coffee shop.
Me: Ok lang. Sige, mag kita tayo sa coffee shop. Maga-ayos lang ako.
~~~~****~~~~
Nandito na ako sa coffee shop, nakita ko si Patrick na umiinom ng coffee at nakatingin siya sa labas ng bintana. Ang gwapo niya! Nilapitan ko siya at kinausap.
"Hi, Patrick!" sabi ko. Napatingin siya sa akin. Ngumiti siya at tumayo.
"So, lets go?" saan kami pupunta?
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa mall tayo, halika na," sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako. Nang nasa pinto na kami, nakita namin si Renzo na pumasok sa pinto. Nakatingin siya sa kamay namin. Naka holding hands pala kami ni Patrick. Bumitaw ako. Nahiya kasi ako.
"Ah, hi Renzo. Gusto mong sumama sa amin?" tanong ko.
"Ayoko," sabi niya at para bang mag lalakad na. Pinigilan ko siya.
"Renzo, sige na, Para naman makilala mo si Patrick at para makilala ka din ni Patrick. Diba, Patrick?" sabi koat tumingin kay Patrick. Tumango-tango siya.
~~~~****~~~~
Nasa mall na kami. Nag laro kami ulit sa Pixie forest. Nag videoke din kami. Kumanta kaming lahat. Si Renzo... ang ganda ng boses.... Nag laro-laro pa kami sa Pixie forest. Lahat ng nilalaro ni Renzo, nanalo siya. Parang nag lalaban sina Patrick at Renzo sa mga laro pero ang hula ko si Renzo na ang panalo.
"Wending uto-uto, ayos ka lang ba?" si Renzo. Hanggang ngayon 'yan pa rin ang tawag niya sa akin.
"Patrick, halika na. Kain na tayo. Gutom na yata 'tong si Wendy," wow, paano niya nalaman 'yon?
"Sige, pare, halika na kayo. Libre ko ulit," sabi ni Patrick. Mayaman talaga 'tong si Patrick, laging nanlilibre.
Nang nasa isang restaurant na kami, ang daming inorder ni Renzo. Matakaw talaga siya.
"Patrick, kaya mo bang bayaran niyang order ni Renzo?" bulong ko. Nag smirk siya.
"Ok lang 'yan, hayaan mo siyang kumain ng marami," aba, sandali, unfair 'yon ha.
"Ah, ehem... Patrick, pwede din ba ako?" medyo pa cute kong tanong. Sanay naman siya pa cute style ko.
"A-yo-ko...." Inisa-isa niya pa ang syllables. Sa akin niya natutunan 'yan.
"Bakit? Ang daya naman," medyo patampo ang tono ko.
"Don't you remember? Ang dami ko nang libre sayo yesterday," oo nga pala. Ok na sa akin itong fried chicken with orange juice. And may ice cream pa for dessert pero hindi pa binibigay, baka kasi matunaw.
~~~~****~~~~
Hinatid kami ni Patrick sa coffee shop. Si Renzo pumasok sa coffee shop, ako naman uuwi na.
"Hayy... nakakapagod, magpapahilot nga ulit ako kay yaya Lora," sabi ko sa sarili.
"Ako din, pahilot mo ako."
"Bakit ka nandito? Diba nasa coffee shop ka?"
"Anong nasa coffee shop? Kitang nandito lang ako sa tabi mo."
"Ok, ok. Pero, bakit?"
"Gusto ko na din kasing umuwi eh. Pagod din ako, kaya ipahilot mo din ako," ang kapal ng mukha.
"Hilutin mo sarili mo."
"Ha? Hoy! Sandali, hintayin mo ako."
Bahala na siya sa buhay niya. Pagod ako at kailangan ko nang mag pahinga.

BINABASA MO ANG
Teasing Each Other
FanfictionMapagbiro si Wendy pero si Renzo ay galit na galit sa mga biro ni Wendy kaya dinadaan niya ito sa kapilosopohan niya. Inis na inis naman si Wendy sa kapilosopohan ni Renzo kaya pinipilosopo na din niya si Renzo. Sa tuwing nagkikita sila, lagi nalang...