Kinabukasan, wala kaming pasok, nasa coffee shop ako, nakita ko si Renzong ewan. Inayos ko ang sarili ko at pumunta sa kaniya.
"Ehem, ehem," sabi ko. Gumanon ako para mapansin niya ako. Tumingin siya saakin.
"Anong ginagawa mo dito?" nagulat ako sa tinanong niya.
"A-ano pa ba? Edi... iinom ng coffe," sagot ko.
"Okay," sabi niya lang?
"Hindi mo ba ako papaupuin?" tanong ko.
"Bakit hindi ka na lang kusang umupo? Nandiyan ka na," bakit ganyan siya? Nakakainis.
Umupo na lang ako sa favorite kong table at umorder ng coffee.
"Nagtampo kaagad si Wending uto-uto," si Renzong ewan. Hayyy, sumunod pa siya.
"Wendy, is that you?" napatingin ako sa kaniya. Si.. si Patrick. Ang crush ko! Nakauwi na siya? Siya ngayon ang nakakita saakin, dati ako laging nakakakita sa kaniya at lumalapit ako. Sa hindi malandi, friend kasi kami nito.
"Patrick! Kumusta ka na? Kailan ka nakauwi?" sabi ko.
"Yesterday lang. I'm fine, ikaw, kumusta ka na?" sabi niya sa akin. Kahapon lang pala siya umuwi, bakit hindi man lang niya ako binate sa birthday ko?
"Ok na ok lang ako. Pero, kahapon, hindi mo man lang inalala ang birthday ko," sabi ko. Gan'to kami ka-close. Natutuwa nga ako dahil close kami ng crush ko.
"Sorry.. pagod kasi ako kahapon kasi galing ako sa byahe nun. I'm very sorry," sabi niya. At ito pa ang ikanatutuwa ko. Nag so-sorry siya saakin. Biglang napunta ang atensyon namin kay Renzong ewan dahil tumayo siya.
"I think I should go," luh, anong nangyari dun? Baliw? Haha!
"Sino ba 'yon?" nakakunot at nakasimangot na tanong ni Patrick.
"Wala. Friend ko lang," sagot ko. Nakita kong tumigil sandali si Renzong ewan at tumingin saamin. Anong nangyari dun? Ang sarap tanungin pero mukhang mainit yung ulo. Dahil yata sa kape.
"Ah, ok. Halika, punta tayo sa mall. Ibibili kita ng gift at saka belated happy birthday," sabi niya. Ang bait niya talaga! Kaya nga naging crush ko ito eh.
~~~~****~~~~
Nasa mall na kami. Naglaro kami sa Pixie Forest, nag shopping kami, kumain kami sa restaurant, at ang higit pa doon na ikakasaya ko ay yung nag picture kami. Pinaedit niya pa 'yon. ang dami naman niyang gift saakin.
Habang naglalakad-lakad at kumakain ng ice cream, nakita ko si Renzong ewan at yung girlfriend niyang gangster. Nakaupo sila sa isang upuan, nakita ko ang mukha ni Renzong... parang umiiyak... bakit kaya? Bakla ba talaga siya?
"Bakit Wendy?" tanong ni Patrick.
"Ah, wala, wala," sabi ko lang.
"Ok...." Biglang nag ring yung phone ni Patrick at sinagot niya 'yon. Pagkababa niya ng phone kinausap niya ako.
"Wendy, I'm sorry. Pinapauwi na kasi ako ni mommy, mero kasi kaming gagawin. Sorry talaga. Gusto mo bang ihatid muna kita sa bahay niyo?" sabi niya saakin.
"No thanks na lang. Dito na muna ako sa mall," sabi ko. Naabuso ko na kasi yata ang pagiging mabait niya saakin. At baka makahalata pa siya na gusto ko siya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kapag nalaman niyang gusto ko siya. Lalayo ba siya saakin? Iiwasan? Ewan ko.
"Sige. Mag-ingat ka na lang sa pag-uwi mo ha," sabi niya. Kinilig ako sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Teasing Each Other
FanfictionMapagbiro si Wendy pero si Renzo ay galit na galit sa mga biro ni Wendy kaya dinadaan niya ito sa kapilosopohan niya. Inis na inis naman si Wendy sa kapilosopohan ni Renzo kaya pinipilosopo na din niya si Renzo. Sa tuwing nagkikita sila, lagi nalang...