Wendy's Point Of View
Nasa school na ako, biglang nag ring yung phone ko. Nang tiningan ko yung phone ko, unknown number. Sinagot ko na, baka naman kasi kilala ko pero hindi ko na save yung number.
"Sino 'to?" hindi ako nag he-hello kapag hindi ko pa kilala ang number.
"Si Ranyeol 'to. Hindi mo ba sinave yung number ko?" si Ranyeol pala. Sino naman siya??? Ahhh, yung exo fan.
"Hindi eh. I'm very sor..." hindi ko na natuloy yung sinabi ko kasi biglang nang gulat si Krisha. Binaba ko ang phone nang hindi nag ba-bye. Mukhang nagmamadali kasi yung hitsura ni Krisha.
"Bilis, bilis, halika na Wendy. Pasok na tayo sa room," anong nangyare dito? Tumakbo na kami papunta sa room. Nakita kong nakasara ang mga bintana at parang nakasara pa ang ilaw. Maaga pa pala, masyado namang excited 'tong si Krisha. 'Kala mo ma la-late. Binuksan na namin ang pinto. Biglang nag open ang mga lights at narinig ko ang "HAPPY BIRTHDAY!". Unang-una kong nakita ang mukha ni Renzong ewan. Bakit gan'to ako? Una kong... ayaw ko nang sabihin. Pero, wow. Pumasok siya ha.
"Ano Wendy? Na surprise ka ba?" si Krisha.
"Oo, na surprise talaga ako na pumasok si Renzo," sabi ko...
"Ha? Ano?" sana hindi niya narinig 'yon. nasa sarili ako nun nang sabihin ko 'yon.
"Ang sabi ko, na surprise talaga ako na nandito silang lahat. Thank you," sabi ko na nakangiti. Pero hindi ako nakatingin kay Krisha. Pero nakikita ko parin si Krisha, ang muha niya parang nagtataka.
~~~~****~~~~
Uwian na, para makapag relax, dumiretso ako sa coffee shop, wala naman ang parents ko sa bahay. Alam ko 'yon. Ayaw ko namang ma-disappoint ulit. Umorder ako sa counter ng one slice of cake with coffee. Habang nagre-relax, biglang naring ang phone ko. Unknown nanaman but I answered it again. Baka kasi si Ranyeol ulit.
"Hi ms. Wendy," si Ranyeol nga.
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi mo pa ba kukunin ang damit na pinagawa mo?" tanong niya. Agad-agad? Natapos niya 'yon agad-agad?
"Bukas na lang," sabi ko. Nag re-relax pa kasi ako. Umo-o na siya at binaba ko na ang phone. Pero bigla nanamang nag ring. Si Krisha naman.
"Hello," inis kong sabi.
"Hoy Wendy, wait, wait lang. Antayin mo ako diyan at 'wag na 'wag kang aalis," sabi niya at binaba na. anong nangyare dun? Baliw nanaman?
"Wen... Wendy," si Krisha. Pagod?
"Akala ko ba may lakad ka?" tanong ko.
"Wala. Hindi na natuloy," sabi niya.
"Ok," sabi ko lang.
"Wendy, maitanong ko lang. In love ka na ba kay Renzo?" HALA! Bakit niya tinanong 'yan?
"Hi-hindi ah. Yuck! Paano mo nasabi 'yan?!" sabi ko.
"Sabi mo kasi kanina, 'Oo, na surprise talaga ako na pumasok si Renzo'," sabi niya na ginaya pa ang tono ko kanina. Narinig niya 'yon?? luh, 'kala ko hindi. Hindi ako in love kay Renzong ewan. Sinabi ko 'yon kasi na surprise talaga ako, hindi ako in love!
"Hoy! Nagulat lang ako nun. Hindi ako in love. Hin-di a-ko in love!" sabi ko na inisa-isa pa ang mga syllables. Pero hindi siya naniniwala. Hindi nga kasi ako in love. Maka alis na nga lang. Happy to say, walang pumigil saakin. Hindi katulad ni Renzong ewan na lagi akong pinipigilan.
"Saan ka pupunta?" speaking of... pipigilan ba ako nito?
"Kung saan man ako mapadpad and you don't care. Excuse me," sabi ko. Dadaan n asana ako nang harangan niya ako. Pinipigilan na ako. Hays....
"I said excuse me," sabi ko. Tumabi na siya. Buti naman.
BINABASA MO ANG
Teasing Each Other
FanficMapagbiro si Wendy pero si Renzo ay galit na galit sa mga biro ni Wendy kaya dinadaan niya ito sa kapilosopohan niya. Inis na inis naman si Wendy sa kapilosopohan ni Renzo kaya pinipilosopo na din niya si Renzo. Sa tuwing nagkikita sila, lagi nalang...