"Ding... ding... ding..." tunog ng bell namin. Uwian na. Makapunta nga sa mall.
"Shavelyn, halika, mag mall tayo," sabi ko sa kaniya.
"Sorry, Wendy, may lakad kasi kami ng parents ko," buti pa siya, may lakad sila ng parents niya.
"Ikaw Lovely, halika, punta tayo ng mall," sabi ko.
"I'm sorry, Wendy, but I'm not feeling well. Gusto ko sana kaso kailangan ko nang umuwi. Next time na lang," bawal din siya?
"Krisha, pwede ka ba?" tanong ko sa kaniya.
"I'm sorry, kailangan ko kasing pumunta sa company nila daddy, tutruan nila ako kung paano patakbuhin ang company," ha? Magmamana din siya?
"Sabihin mo na lang sa daddy mo na hindi ka na pupunta, diba ayaw mo naman kasi mag patakbo ng company," sabi ko.
"Noon 'yon, pero ngayon, gusto ko na. Sige na, bye. Hinihintay na ako ni daddy."
Tinanong ko pa ang iba kong kaibigan, kaso bawal din sila. Bakit ba busy silang lahat? Kawawa naman ako....
~~~~****~~~~
Pumunta ako ng coffee shop. Umorder na ako at naupo. Nakita ko na lang si Daniel na umu-order din sa counter. Nang nag hahanap na siya ng uupuan, nakita kong wala siyang maupuan kaya tinawag ko siya at pinaupo.
"Salamat at pinaupo mo ako," sabi niya.
"Bakit nga pala mag-isa ka lang?" tanong niya sa akin.
"Paano ba naman kasi, lahat ng friends ko, busy," sagot ko.
"Diba si Renzo, lagi mong kasama dito," nagulat ako sa sinabi niya.
"Paano mo nalaman 'yon?" tanong ko.
"A, ewan. A, alam ko na. Narinig ko lang sa usap-usapan ng mga kaibigan natin," tsismosa pala ang mga 'yon...
"Speaking of Renzo, nagtataka ako kung kanino niya nalaman ang address ko at paano niya nalaman ang birthday ko at may regalo siya agad siya nun? Daniel, diba kaibigan mo si Renzo, alam mo ba kung paano niya nalaman ang lahat ng tungkol sa akin?" tanong ko sa kaniya habang siya naman ay nanlaki ang mga mata.
"Ah, well. 'Yan ang hindi ko alam," 'yon na 'yon? 'Yon lang ang sagot niya? "Uhm... Wendy, 'wag ka sanag magalit ha. Actually... ako ang nag sabi nun sa kaniya," ha? Ano daw? Bakit? Ano ba 'yan. Bakit niya sinabi? Hay nako talaga. "Hindi ka nagagalit?"
"Hindi, bakit ako magagalit kung sinabi mong 'wag akong magalit," sabi ko pero ang totoo, medyo inis ako.
"A, oo nga pala. Sorry ha, makulit kasi siya kaya napilitan akong ibigay sa kaniya ang address mo," makulit? Ibig sabihin, namimilit siya? Huh, alam ko na meaning nun. May gusto siya sa akin. Kaya pala parang nag seselos siya sa amin ni Patrick.
~~~~****~~~~
Papunta na ako sa garden ng street namin. Nang makapunta ako doon, nakita ko si Renzo, pinapanood niya ang mga bata na nag lalaro sa garden.
"O, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.
"Dahil gusto ko at dito ako laging pinapasyal ng parents ko. Nami-miss ko lang," sagot niya.
"Huh, gaya-gaya ka talaga ng buhay ko, dito din ako laging pinapasyal ng parents ko nung bata pa ako," sabi ko.
"Hindi 'yon gaya-gaya, it's a coincidence in our life," wow, serious talk ngayon ha.
"Oo nga pala, yung sinabi mo sa akin dati na minsan ang asaran, may nabubuong pagmamahalan. Bakit kailangan mo pang sabihin 'yon sa akin? Siguro.. may gusto ka sa akin noh," aba, siya nga 'tong may gusto sa akin.
"Wala ah, kahit kailan, hindi ako magkakagusto sayo, sa itsura at ugaling mong 'yan, at tsaka may girlfriend ka na diba," sabi ko. "Baka naman, ikaw ang may gusto sa akin," sabi ko pa.
"Ha? Ako? Huh, asa ka. Sa itsura at ugalin mong 'yan, at tsaka may girlfriend na ako and I love her," nagulat ako sa sinabi niya. Ginaya niya pa ang sinabi ko, hindi na coincidence 'yon.
"Seryoso?" tanong ko.
"Oo naman," that time, nag walk out na ako. Seryoso kasi ang tono niya.
Umuwi na ako at dumiretso sa kwarto. Biglang may nag text sa phone ko.
Renzo: Anong nangyare sayo? Are you alright?
Hindi ko siya nireplayan. Ang sakit sa puso na marinig mo ang bagay na 'yon. Hindi niya din pala ako gusto? Yes, I said din, 'cause I really like him. Gustong-gusto ko siya. Pero nang sabihin niyang 'di niya ako gusto, masakit talaga. Tumutulo na ang mga luha ko. 'Di ko kayang masaktan ng ganto, parang na-busted ako. Sa tagal-tagal na minahal ko siya kahit ganoon siya sa akin, gusto ko pa rin siya. Pero kung hindi niya talaga ako gusto, anong meaning ng parang pag se-selos niya sa amin ni Patrick? Anong meaning ng pamimilit niya kay Daniel? O, akting-aktingan lang ang lahat ng 'yon para magustuhan ko siya at lokohin niya ako? Ano ba talaga? Hindi ko na alam ang gagawin ko.
~~~~~~~~~~
Haha! Salamat at na-update ko na din ang chapter 11 :) sana po nagustuhuhan niyo :) salamat po sa pagbasa. Meron pa pong susunod na chapters :) sana po basahin niyo pa po ang mga next chapters. :))
BINABASA MO ANG
Teasing Each Other
FanficMapagbiro si Wendy pero si Renzo ay galit na galit sa mga biro ni Wendy kaya dinadaan niya ito sa kapilosopohan niya. Inis na inis naman si Wendy sa kapilosopohan ni Renzo kaya pinipilosopo na din niya si Renzo. Sa tuwing nagkikita sila, lagi nalang...