Wendy's Point Of View
Kinabukasan, absent si Renzong ewan. Lagi naman daw 'yon absent and I don't care why. 'Di kaya bumagsak yung grades niya dahil pala-absent siya? Oo nga pala, I'm not responsible of this. Pero saying kasi ang pera ng parents niya, pinag-enroll pa siya sa mamahaling school pero hindi naman siya papasok. Nakikipaglandian lang yata sa girlfriend niyang gangster.
"Excited ka na ba?" biglang tanong ni Krisha.
"Excited saan?" nakakunot kong tanong. Hindi ko siya maintindihan.
"Sabi ko na nga ba, hindi ka nakikinig kay sir. Naku, lagot ka kay sir kapag nalaman niyang hindi ka nakikinig. Grabe pa naman 'yon magalit, naku! Maghanda ka na Wendy," sabi ni Krishang praning. Praning talaga 'tong si Krisha kahit kalian. Hindi ko naman kasi siya maintindihan.
"'Wag ka ngang masyadong praning diyan. Ano ba kasi ang ibig mong sabihin? Excited saan?" medyo inis kong sabi.
"Ikaw kasi, hindi ka nakikinig. Sabi kasi ni sir, next month na daw yung field trip natin sa Korea," labis ako nagulat sa sinabi niya. Korean ba kamo? Wow! Whoaaaa!!!!! Grabe excitement ko.
"Weh? 'Di nga? Totoo ba 'yan?" natataranta kong tanong.
"Oo nga! Ang kulit mo," medyo inis na sabi niya saakin.
"Ibig sabihin..... makikita ko na ang mga k-pop groups???!!!"sabi ko habang nakangiting abot tenga.
"Ewan," walang gana nitong sagot. Parang nawala ang excitement ko sa sagot niya. Palibhasa kasi 1D ang gusto niyang makita.
~~~~****~~~~
Nasa coffee shop ako, nakita ko si Renzong ewan at yung girlfriend niyang gangster, kasama pa ang ibang alipin. Nang umupo na ako sa favorite kong table, nakita kong papaalis na ang mga kasama ni Renzong ewan pati ang girlfriend niyang ewan. Hindi ko na sila tiningnan at kinuha ko nalang ang books ko at ang cellphone ko kasama ang headset. Nakinig ako ng kanta ng Exo, Baby Don't Cry ang title.
Enjoy na enjoy ako sa pakikinig ng music nang mapansin kong may umupo sa harapan ko. Tumingin ako sa kaniya. Nag sasalita siya pero hindi ko marinig kung ano 'yon. malakas kasi yung music ko.
"Ano?!" tanong ko. Nag salita nanaman siya. Ang haba ng sinasabi niya. That time, tinanggal ko na ang headset ko para marinig ang sinasabi niya, pero tumigil bigla siya.
"Ano yung sinasabi mo?" tanong ko. Napansin kong marami ang nakatingin saamin. Nakakapagtaka lang, bakit kaya? Dahil maganda ako at pangit siya? Haha! Loka, joke lang.
"Sabi ko ang pangit mo," sabi niya lang? kanina ang haba ng sinasabi pero ng tinanong ko ulit, ang ikli lang pala. Aba, abnormal 'to.
"Bahala ka nga diyan," sabi ko. Aalis n asana ako nang pigilan niya ako.
"May sasabihin lang ako sayo," sabi niya. Biglang nagpigil ng tawa ang iba dito sa coffee shop. Bakit kaya?
"A, sige, wala pala," sabi niya na para bang... ewan ko sa kaniya. Umupo ulit ako.
"Akala ko ba uuwi ka na?" nakakunot niyang tanong.
"May itatanong kasi ako sayo," sabi ko.
"Bakit umuwi kaagad yung girlfriend mo? Sa nakikita ko kanina, parang sandali lang siya dito," tanong ko.
"Kasi.... Kasi may importante pa daw siyang lakad," sagot niya. Importanteng lakad? Nung isang araw gano'n din ang sagot nitong Renzong ewan.
"Grabe naman niyang girlfriend mong gangster, mas importante pa 'yang lakad niya kesa sayo," wait... sabi ko bang gangster ang girlfriend niya? Naku, lagot.
"Wow, concern?" kapal din talaga.
"Sige, 'yon lang naman ang tanong ko. Bye," sabi ko at umalis na ako.
~~~~****~~~~
When I was home, nagulat ako sa nakita ko.
"Mom, dad? Why are here?" tanong ko. English language kasi dun ako sanay na kausapin sila.
"Why Wendy? Ayaw mo bang nandito kami?" tanong nila.
"Sa hindi ayaw. I was really shocked lang kasi sanay akong umuuwi na wala kayo," sagot ko sa kanila. Lumapit sila saakin at bigla akong niyakap ni mommy.
"Sorry Wendy, ngayon lang namin narealize na hindi ka na namin napapagtuunan ng pansin. We're very sorry," sabi ni mommy sabay kalas ng yakap. Wait... ayaw ko ng masyadong drama ha.
"Sige na anak, umakyat ka na at magbihis. Kakain tayo ng dinner sa labas," sabi ni daddy. Hala! OA na ha, pero I like it. Kakain kami sa labas. Ngayon lang ulit ito mangyayari, kakain kami sa labas, complete family pa. Hahaha! Pero feeling ko kulang parin, sana may isa pa akong kapatid. Hahaha! JOKE LANG!

BINABASA MO ANG
Teasing Each Other
FanfictionMapagbiro si Wendy pero si Renzo ay galit na galit sa mga biro ni Wendy kaya dinadaan niya ito sa kapilosopohan niya. Inis na inis naman si Wendy sa kapilosopohan ni Renzo kaya pinipilosopo na din niya si Renzo. Sa tuwing nagkikita sila, lagi nalang...