Teasing Each Other 5

15 1 0
                                    

Kinabukasan, nasa mall ako. Bumibili ako sa groceries. Wala kasi sina mom and dad sa bahay, inexpect ko pa naman na nandoon sila pero wala. Disappointed tuloy ako. Wala nanaman silang time saakin. Work nanaman sila nang work. Biglang napunta atensyon ko sa damit na may picture ng Exo. Nilapitan ko ang babae at tinanong.

            "Hello miss, magtatanong lang sana ako kung saan niyo po baili 'yang damit?" tanong ko. Bihira lang kasi akong makakita ng ganyang damit. Mahal yata.

            "Ginawa ko lang poi to," sabi ng babae. Ginawa niya? Wow, galing niya naman.

            "Weh, 'di nga?" 'di ko makapaniwalang tanong.

            "Tatanong-tanong ka, hindi ka naman maniniwala," sabi niya at naglakad na. Sungit naman nun. Hinabol ko siya.

            "Miss, sandali lang! Mag papagawa din sana ako sayo," napatigil siya at tumingin siya saakin.

            "500 pesos," sabi niya. Mura naman.

            "Ang mura naman," parang reklamo ko pa. 'Di kasi ako sanay na mababa ang presyo.

            "Ano gusto mo? 1000?" ang taray talaga.

            "Joke lang naman, sige, heto bayad ko," sabi ko sabay abot ng 500 pesos.

            "Punta ka na lang sa bahay ko kapag kukunin mo na. Heto ang address ko at ang phone number ko. Bigay mo na din ang phone number mo saakin para matawagan kita kung tapos na. Pangalan ko Ranyeol," sabi nito. Wow ha, ganda ng name niya, 'Ranyeol' as in 'Chanyeonl'.

            "Heto ang phone number ko, pangalan ko Wendy," sabi ko.

            "Wendy?" bakit? Kilala niya ba ako?

            "Bakit?" tanong ko.

            "Nothing. Sige, mauna na ako. See you," sabi niya. Ano nangyare? Famous ko talaga. Joke lang!

~~~~****~~~~

            Hayyy.... Nakakapagod talagang mag shopping. Dapat pala nagpadrive nalang ako sa driver nila mommy. Ang hirap pala kasing mag commute kapag madami kang dala. Hay... kaya geto ako, nag papahilot sa yaya ko. Hindi naman ako maarte at strikto, hindi ako ganoong klaseng tao. Mabait ako....

            "Ma'am! May bisita po kayo," eto lang ang ayaw ko, ginugulat ako.

            "Sino?" tanong ko.

            "Si ms. Krisha po," sabi ni yaya Sabel. Si Krisha lang pala, akala ko kung sino.

            "Sige, papasukin mo. Yaya Lora, pwede mo ba kaming ihanda ng meryenda?" sabi ko kay yaya Sabel at yaya Lora. Sinunod naman nila ang inutos ko. Promise, mabait ako sa kanila.

            "Hi Wendy! Musta na?" parang hindi kami  nagkita kanina. May amnesia ba 'to?

            "'Wag ka Kris, pagod ako. At saka tigilan mo ako sa kalokohan mo, nang-aasar ka nanaman. 'Kala mo hindi tayo nagkita kanina," sabi ko.

            "Eto naman si Wen, hindi ka na lang makisakay. Kaya lang naman ako gan'to ngayon 'cause I have a surprise for you. Guess what?" sabi nito. Wala akong time para manghula lalo na kung walang kwenta.

            "Ayaw kong hinuhulaan ang surprise saakin. Doon muna tayo sa dining area, baka handa na yung meryenda natin," sabi ko na walang gana. Tumayo ako na halatang masakit ang mga paa ko kaya tinulungan ako ni Krisha.

Teasing Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon