Teasing Each Other 10

10 1 0
                                    

"Alexa, sorry, hindi kita na invite sa birthday party ko," paumanhin ko sa kaniya. Nakalimutan ko kasi nagmamadali ako. Siya lang ang friend ko sa school na exo fan din.

"Ok lang 'yon. Basta, bake mo din ako ng cup cake na sinasabi nila Lovely ha," naikwento pala nila 'yon kay Alexa.

"Oo, ipag ba-bake kita. Gagawa ako mamaya," sabi ko sa kaniya.

"SIge, thank you. Last day na 'to ng September, sa October 15 na ang field trip natin. Ahhhh!!! I'm so excited."

"Me too!!!"

"Wait lang guys, makisali din ako sa excitement niyo," si Lovely??

"Ha? Hindi ka naman k-poper, diba?" sabi ko. Nakakapagtaka.

"Hindi ah, k-poper ako."

"O? Talaga? Kailan pa?" tanong ni Alexa.

"Kahapon lang," natawa kami sa sagot ni Lovely. Kahapon lang pala siya nging k-poper, akala ko noon pa, hindi ko lang alam. Sabi ba naman kasi, 'hindi ah, k-poper ako'.

~~~~****~~~~

"Gusto ko ng ice coffee and one slice of cake," sabi ko sa babae na nasa counter. Umupo na ako sa table ko. Habang umiinom ng ice coffee, tumingin ako sa labas ng bintana. Nakita ko si Renzo at ang girlfriend niya. Ano kaya ang pinag-aawayan nila? Nag walk out si Renzo. Tumingin ako sa pintuan kung papasok si Renzo, pero nilagpasan lang niya ang coffee shop. Tumingin ulit ako sa girlfriend niya. Nakita kong umalis na siya. Ano kaya ang pinag-awayan nila? Narinig ko ang pag bukas ng pinto, tumingin ako pero hindi si Renzo. Nag bukas nanaman ang pinto, tumingin ulit ako at laking tuwa ko na nakita ko si Renzo. Tumalikod ako at uminom ng ice coffee. Kunware hindi ko alam na nandito siya.

"Pwedeng makiupo, Wending uto-uto?"

"Bakit ba hanggang ngayon uto-uto pa rin ang tawag mo sa akin?"

"Bakit? Asar ka na ba kasi totoo 'yon?"

"Hoy, asar ako but it doesn't mean na totoo 'yon. Naiirita lang kasi ako," sabi ko sa kaniya.

"That's good, ma-asar ka lang sa asar ko. I like it," ano daw? Gusto niya na na-aasar ako sa mga asar niya?

"Oo nga pala, sabi ng isa kong friend na... minsan ang asaran, pwedeng may mabuong pag-iibigan..." sabi ko sa kaniya pero parang 'di niya lang pinansin.

"Ren.."

"Naniwala ka naman don?"

"A, hindi, hindi ako naniwala doon, at kahit kailan hindi ako maniniwala doon."

"O, bakit parang OA ka?"

"Ako? OA? Hindiii," pagkasabi ko nun at natawa ako. Tawa lang ako nang tawa hanggat sa tumayo si Renzo.

"O, saan ka pupunta?" tanong ko.

"Uuwi na ako," sabi niya at mag lalakad na.

"A, wait lang. Hintay, uuwi na rin ako," sabi ko sabay kuha ng bag ko.

~~~~****~~~~

"Wait lang, Renzo," hingal na hingal kong sabi. Ang bilis niya kasing mag lakad. Bigla siyang tumigil. Muntikan na akong matumba nun dahil nabigla ako. Kanina lang kasi ang bilis niyang mag lakad tapos biglang tumigil. Nakita kong umupo siya.

"Anong ginagawa mo?"

"Sumakay ka sa likod ko."

"Bakit naman?"

Teasing Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon