Wendy's Point Of View
Nasa bahay na ako. Pagkabukas ko ng pinto, kinausap ako ni yaya Lora.
"Ma'am Wendy, sabi po saakin ng daddy niyo mag invite daw po kayo ng mga tao na dadalo pos a birthday party niyo," sabi niya. Birthday party? Naalala pa pala nila ang birthday ko. Wait, baka naman hindi sila pumunta.
"Ok yaya Lora, thanks. But wait, may handa nab a tayo?" sabi ko.
"Opo ma'am," sagot niya. Good, sana naman mainit pa 'yon.
Nang invite na ako. Unang-una yung mga friends ko. Si Krisha, Lovely, Rhian, Shina, Shavelyn, Daniel, Robert, Josh, Mark, Kenji, at si Renzong ewan. Sinama ko na din pala si Ranyeol. Pinadala ko na din yung damit na pinagawa ko. Hindi pa kami close pero ininvite ko siya, para makilala siya ng mga friends ko at para makilala ko na din siya ng husto. Ininvite ko na din ang grandparents ko at ang iba kong cousins. Madami na 'yon. madami para mas masaya.
Bago pa sila dumating, nag bake ako ng mga cup cakes. Yes, mahilig akong mag bake. Gusto ko nga maging baker someday eh. Kaso may pinapamana saakin sila daddy at mommy na company.
'Di nagtagal, nagsidatingan na ang mga bisita ko. Unang-una dumating si Renzong ewan, sunod si Krisha, sunod... basta, sunod-sunod na sila. Yung iba magkakasama pa. ang huling dumating... sina mommy and daddy.
Pinakain ko ang mga friends ko ng cup cakes ko. Gustong-gusto nila 'yon maliban lang kay Renzong ewan.
"Ano ba naman 'to, Wendy. Parang... hindi siya masarap, promise," sabi niya habang sunod-sunod ang pagkagat niya sa cup cake na hawak-hawak niya.
"Weh?? Bakit sunod-sunod ang pagkagat mo diyan? Halata ka Renz," sabi ni Lovely.
"Tinitikman ko pa kasi. Wendy..." hindi ko siya pinatapos magsalita.
"Oo na, hindi na masarap. Kung hindi masarap para sayo, 'wag mo nang kainin. Palibhasa inggit ka nanaman," sabi ko. Nakita kong ubos na ang kinain niyang cup cake pero kumukuha pa siya ng isa at humarap saakin.
"Tikman mo kaya, say ah," sabi niya. Hindi ko siya sinunod. Pinagmu-mukha lang naman niya akong bata. Pero makulit. Nilalapit na saakin ang cup cake at hindi ko napigilang ngumanga. Alangan hayaan ko siya isubsob saakin ang cup cake. Masarap naman ah.
"Masarap naman ah, wala ka talagang taste," sabi ko. Pero parang hindi niya ako maiintindihan. Paano ba naman kasi, isinubo saakin ang isang buong cup cake.
"Ano?!" sigaw niya. Inulit ko yung sinabi ko, konti na lanag yung laman ng bibig ko nun ha. Pero nang-aasar talaga eh.
"Ano?!" dapat pala hindi ko na 'to ininvite.
"HAHAHA!!! Baka magkatuluyan kayo niyan ha, HAHAHA!!!" si Ranyeol. Kami magkakatuluyan? Ba.. bakit? Wait. Kami, magkakatuluyan? Medyo natawa lang ako. Wait. Magkakatuluyan kami? HAHAHA!!! Napangiti lang ako.
"Shavelyn, kantahin mo nga yung bagay na team song sa kanila," utos ni Lovely kay Shavelyn.
"'Di ko akala na tayo'y magkatuluyan, sa dami n gating, pinag-awayan..." kanta ni Shavelyn. Aba, sandali,. Bagay 'yon ah. HAHAHA!!!
Pumunta ako sa walang masyadong tao, para makahinga naman ng maayos.
"Wendy," si Renzo. Sumunod saakin.
"Wendy, nagbibiro lang naman ako kanina. Masarap yung bake mo. Promise. And.. and this is my gift for you," sabi niya. Paano niya ba nalaman na birthday ko at may regalo siya agad saakin? Binuksan ko yung gift niya at nakita kong bracelet. I like it...

BINABASA MO ANG
Teasing Each Other
FanfictionMapagbiro si Wendy pero si Renzo ay galit na galit sa mga biro ni Wendy kaya dinadaan niya ito sa kapilosopohan niya. Inis na inis naman si Wendy sa kapilosopohan ni Renzo kaya pinipilosopo na din niya si Renzo. Sa tuwing nagkikita sila, lagi nalang...