Una

238 3 3
                                    

Aya's Point Of View.

Hi ako nga pala si Aya Kristen Santiago Montenegro , Yes defenitly i am married to Daxton Tyler Montenegro, 22 yrs old . Daxton he is my first boyfriend , first love , at first sa lahat.

Oo lahat sa lahat siya ang una ko. Btw dalawang taon na din simula nung kami ay ikinasal yes you read it right 20 ako nun at siya at 21 nang kami ay maikasal sa simbahan.

Daxton is totally rich same as mine kaya pumayag ang mga magulang ko dahil ang kanyang ama ay Mayor ng aming lugar at meron din silang kumpanya.

Ang mga magulang ko ang may-ari ng Santiago Enterprise. Kung saan ito ay may mga branch na din sa ibang bansa na siyang laging dahilan kaya ang aking mga magulang ay pabalik-balik sa labas ng bansa.

"Hey Love" Biglang sulpot ng tao mula sa likod ko at pumulupot na ang kanya nga kamay sa aking bewang.

"Hey Good morning  , prepared na ang breakfast mo Love kain kana dahil alam kong may pasok ka pa" Sabi ko naman dito.

"Wala pa bang laman to Love" Sabi niya sabay himas sa aking maliit na tiyan.

"Wala pa eh alam mo love wag natin masyadong madaliin lahat ha. Alam kong sinusubukan natin wala din naman akong iniinop na gamot para magstop sa pagbubuntis"Sabi ko sa kanya alam kong matagal niya nang pinangarap to na magkaroon kami ng anak hindi pa din kasi ako nag papacheck up dahil busy din ako sa pag-aasikaso sa kanya.

"Alam mo Love gusto ko pag nagkababy tayo ang gusto kong pangalan ng unang anak natin ay Chase Evan Montenegro tas pag babae naman Iris Aubrey Montenegro." Napa ngiti naman ako sa tuwing pinag-uusapan o magiging topic niya ang mga magiging pangalan ng magiging anak namin.

"Hahaha talaga sige ayan ang ipapangalan natin sa magiging anak natin excited na kong bumuo ng pamilya   kasama ka Love" Sabi ko.

Pagkatapos naming magdrama ay kumain na kami at hindi din nag tagal ay umalis na din siya para pumasok na sa kumpanya.

Ako naman ay ginawa ko na din ang mga routine ko sa bahay may katulong kami pero si Manang Letty lang kasama namin dito wala nang iba. Ayaw na din kasi dumagdag pa ni Daxton ng ibang kasambahay.

Actually mag-asawa yan si Manang Letty at Manong Raul si Manong Raul naman ang driver namin dito hindi na din iba samin ang matandang mag-asawa dahil galing sila sa bahay namin kinuha ko lang sila. Since may mga katulong na naman na dun si Mommy.

Habang naglilinis ako hindi ako alam kung bakit bigla bigla nalang umikot ang paningin ko at napaupo nalang ako bigla.

Buti nalang at dumaan si Manang at tinulungan akong umupo.

"Oh iha, okay ka lang ba" Tanong nito sakin tanging tango nalang ang nasagot ko.

"Masakit lang ulo ko manang baka parating na din kasi ang aking buwanang dalaw" Sabi ko.

Tumango naman siya at pumunta na sa kusina upang mag luto ng tanghalian.

Naupo nalang ako sa sofa at maya maya pa ay tumunog ang aking cellphone.

Daniella Calling...

Himala at nagparamdam tong bestfriend ko sinagot ko naman ito.

"Hi Best himala at napatawag ka" Bungad ko sa kanya.

"Ofcourse dahil gusto ko lang ibalita sayo na uuwi na si Renzo" Sabi nito sakin

"Really he's coming home" Sabi ko alam kong tumatango ito.

Renzo is our childhood bestfriend since when i was 3 yrs old. Kami kami na ni Daniella ang magkakaibigan kaso nag migrate na si Renzo sa Italy nung 5 yrs old kami. At sobrang saya ko dahil uuwi na siya ngayon.

Matagal tagal din kaming nag-usap ni Daniella at hanggang sa matapos ito at pagpasyahan naming ibaba na ang telepono ay siyang nakaramdam ako ng antok. Kaya hindi ko namalayan na nakaidlip na ko sa sofa.

--

Medyo matagal tagal din ang tinulog ko ginising lang ako ni Manang ng sabihin na Alas singko na ng hapon.

Hindi pala ako nakapag tanghalian medyo napasarap ang tulog ko.

Kaya ayun kaya hindi na din siguro ako ginising pa ni Manang.

Tumungo nalang ako sa taas upang maligo na. Oyy ha naligo naman ako ng umaga hahaha.

Matapos kong gawin yon lumabas na ko ng banyo at nagulat akong nakita ko na ang kakarating lang na asawa ko galing trabaho.

"Hey Love" Sabi ko dito ngunit imbes na sagutin niya ko ay hinalikan naman ako nito na siyang aking tinugon at nangyari na ang dapat mangyari saming dalawa.

Naka ilang rounds din kami at matapos yon ay napagpasyahan na naming kumain kung hindi ko lang sinabi na ako ay nagugutom na.

Pero feeling ko tumataba ako. Hindi ko alam nagbihis na ko at ganun din si Daxton sabay kaming bumaba ng hagdan dumiretso na sa kusina. Ngunit hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok ng tumakbo ako ng cr dito sa may sala.

Alam kong sumunod naman si Daxton dahil ramdam ko ang paghagod nito sa likod ko.

"Hey Love are you okay you don't like the food don't you" Sabi nito.

"No baka umasim lang ang sikmura ko dahil hindi ako nakapag tanghalian kanina pero ayaw ko din n-" Napaisip ako alam na alam ko na ang sintomas na to pero ayaw ko namang bigyan agad ng clue si Daxton baka umasa lang kami sa wala.

Tumayo nalang ako at nagmumumog naghugas din ako ng kamay at lumabas na at tinungo ang dining room.

"Okay ka lang ba talaga iha. Medyo namumutla ka" Tanong ni Manang sakin.

"Opo manang okay lang po ako kumain na ho kayo ni Manong Raul ha" Sabi ko dito at tumango naman siya.

"Sigurado ka bang okay ka lang baka may nararamdaman ka gusto mo dalhin na kita sa doctor" Sabi ni Daxton.

"Wag na love okay lang ako hindi kasi ako kumain ng tanghalian kaya ayan" Sabi ko dito.

Mukhang nakumbinsi naman siya dahil tumango na ito bilang sagot sa tanong niya.

"Siya nga pala Love bumalik na ang kapatid mo dumaan ito sa office kanina" Sabi ni Daxton at napatingin ako sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ako kinutuban pero ipinagsawalang bahala ko nalang ito.

"Ah talaga baka namiss na sila Mommy at Daddy"Sabi ko at hindi na siya sumagot at pinagpatuloy na namin ang pag kain.

Nangmatapos kami kumain ay umakyat na din si Daxton sa taas upang magpahinga. Sabi ko sa kanya susunod nalang ako pero nagulat ako ng sabihin niyang kunin ko nalang daw lahat ng gamit ko at ilipat sa guest room at dun na lang ako matulog.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko nalang ito pinansin.

Nang matapos ako sa aking ginagawa dito sa baba ay umakyat na ko sa taas at pumasok sa kwarto ngunit pagpasok ko ay siyang bungad ni Daxton.

"Diba sinabi ko sayo na dun kana sa guest room matulog bukas na bukas kunin mo lahat ng gamit mo dito ayaw kong makita bukas pag kauwi ko yung mga gamit mo dito sa kwarto naiintindihan mo" Sabi nito at isinara ang pinto.

Okay naman kami kanina ah pero bakit nagkaganon siya.

Pumasok nalang ako sa guest room upang dito na matulog iniisip ko ang mga malalim na dahilan kung bakit naging ganito si Daxton.

Kahit okay naman kaming dalawa kanina. Sa kakaisip ko ay dinalaw na ko ng antok.

--

Vote • Comment

Yow ! Kamusta kayong lahat sorry at late ako sa pag update dito ina-update ko lang yung Hanggang Kailan Kita Mamahalin 😂.

Pasensya na po btw ! Sana magustuhan nito itong unang chapter ng A Wife's Secret

Hahaha magsisimula malapit na din kayong maiyak at mabwisit 😂.

Hahaha love you all see you sa Chapter Two❤.

Lovelots❤.

-Ms.Anaoj❤

A Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon