PangSiyam

293 7 3
                                    

Chapter 9 is here !!!

--

Aya's Point Of View

It's been a week since the day that we go to my parents house. At sa araw na din na yon nagtagpo ang landas naming dalawa ulit ni Drake.

Sa ilang araw din na yon napagtanto ko lang na mas mahal ko talaga ang asawa ko ngayon dahil hindi ko masyadong naramdaman noon kay Drake yung mga nararamdaman ko ngayon kay Jace.

At sobrang swerte ko na tinatanggap at natanggap kami ni Chase ng pamilya niya tinanggap nila si Chase na parang galing saming dalawa iyon ni Jace.

At ngayon na may darating pang isang bagong miyembro ng aming pamilya ay wala silang pagsisidlan ng saya gayong limang buwan nalang ang hihintayin para lumabas ang aming unang anak ni Jace simula ng kami ay ikasal.

Jace filled me with love and contenment and i am so very thankful to him in my life.

Nandito ako ngayon sa opisina dito lang sa bahay namin dahil mas pinili ni Jace na dito ako mag trabaho gayong maglilimang buwan na kong buntis.

Para hindi na ko pabalik balik pa sa kumpanya mas pinili niyang dito nalang ako mag trabaho.

Para kahit papaano ay mabantayan ako nila Manang habang nasa kumpanya din siya at masasabi kong walang araw na hindi siya tumawag kay Manang para imonitor ako minsan pa nga kinoconnect ni Manang ang tawag ni Jace sa telepono dito sa opisina pag hinahanap ako ni Jace or naitatanong niya kung nasan ako.

Pumipirma lang ako ng mga documents na pinadala dito ni Michael isa sa mga secretary ko sa McCarthy Hotel na siyang binigay sakin ni Jace nung isang taon bago kami naging isang maging mag-asawa.

Habang pumipirma ako napatingin ako sa computer nandito sa table ko at nakita kong nag email ang Montenegro Empire. Nang buksan ko ito hinihingi nila ang permiso ko na maging bahagi ng kanilang investor or ng board of director dahil pinirmahan pala ni Jace noon ang isang kontrata para maging partenership ng Montenegro Empire ang McCarthy Hotel na isa sa mga pinakatanyag na hotel sa bansa pang 5 lang ang Montenegro noon pero dahil naging partenership nito ang McCarthy ay naging pangatlo sila.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang secretary ni Jace.

"McCarthy Empire Inc. Hello good morning how may i help you"  sagot ng nasa kabilang linya.

"Hi This is Aya , can you please connect me to your boss" Sabi ko sa kausap ko.

"Yes Mrs.McCarthy just wait for a minute" nang maiconnect ako ng secretary ni Jace ay sinabi ko ang inemail sakin ni Drake.

"So Love , dahil ikaw ang pumirma ng kontrata ikaw nalang ang umattend hindi ako pwede alam mo na alam ko namang mag aalala ka samin ng anak mo" Sabi ko sa kanya

"Alright love  , im goin to attend hmm  by the way do you need anything you want me to buy before i got home" Sabi nito nangsabihin ko ang gusto ko ay nagpaalam na kami sa isa't isa sambit ang salitang mahal kita.

Nang matapos kong ibaba ang telepono pinagkatitigan ko ang email ng sekretarya ni Drake.

Hahaha nakakatawa lang diba wala pa kong ginagawa pero parang nagkakandarapa na ulit siya para pagkatiwalaan ko ulit siya.

Hahaha matitiyak kong mahihirapan ka muna Drake bago mo ulit makuha yung gusto mo ngayon na ikaw naman ang may kailangan sakin ngayon hahaha what more pa kaya pag ang asawa ko na ngayon ang humarap sayo.

Isusunod ko naman ang aking kapatid. Alam ko naman na kahit anong gawin ko o sabihin ko sa asawa ko pag gusto ko alam kong gagawin niya yon.

That Jace McCarthy my terror husband when it comes to the business world like Daddy Jaime his father. Jace and Daddy Jaime are the same lalo na pag ako na ang topic. Daddy Jaime loves me like his own daughter kaya nung nalaman ng parents ni Jace na ikakasal kami parang mas excited pa sila kaysa samin ni Jace. Lalo na nung sinabi namin na buntis ako non kay Chase kahit hindi ama nun si Jace pero tinanggap parin nila ang anak ko kaya isa yon sa ipinagpapasalamat ko sa kanila.

I get my phone and call someone na alam kong tutulong sakin para makuha ang gusto ko.

Ilang sandali pang nagring ang tawag ay sinagot niya na ito.

"Hello , would you like to work for my company" isa sa mga secretary ni Ate sa kanyang clothing line.

"Who's this" Saad ng kausap ko

"It's McCarthy Hotel Empire , would you like to come for an interview" ramdam kong natahimik siya sa sinabi ko pero biglang namatay ang tawag at tinext ko siya kung saan siyang address pupunta at sinabi ko kung kailan.

Matapos kong makipag usap sa kanya ay tumayo na ko at lumabas na sa opisina ko dito sa bahay.

Dahil nga hindi ako pinagtatrabaho ni Jace sa mismong hotel dito ko muna gagawin sa bahay ang mga trabaho ko.

Bumaba ako ng hagdan upang icheck si Chase na kasama ang yaya niya na naglalaro sa garden pinatayuan kasi siya ni Jace don ng small playground.

"Iha, magandang hapon may gusto ka bang kainin sabihin mo at ipapahatid ko kay Selma sa garden"Biglang sulpot ni Manang.

"Fresh juice nalang manang tska pahingi na din ako ng Lasagna" Sabi ko sa kanya at lumabas na ng bahay para dumiretso sa garden.

Umupo naman ako sa parang bench na may lamesa don habang pinagmamasdan ko don si Chase. na nakikipag laro sa yaya niya kasama ang mga laruan na pinadala ni Daddy Jaime kamakailan lang.

Dumating naman na ang merienda na pinagawa ko kay Manang at habang kumakain ako tumunog ang cellphone ko sinagot ko naman yung tawag mula kay Alice na isa sa mga kaibigan ko nung High School.

"Hello"Pagkasagot ko ng tawag

"OMGEEEE AYA BAKLA KA" Tili ni Alice na siyang nagpalayo ng cellphone ko sa tenga ko.

Nang ibalik ko to sa tenga ko "Walangya ka ang ingay mo hahaha. Btw bat ka napatawag anong meron" Sabi ko sa kanya.

"Meron tayong reunion ng high school sa McCarthy Hotel Empire meron tayong meeting this coming saturday dahil isa ka sa organizer kasama kami nila Hanz at iba pa syempre" Sabi niya.

"Sige i'll come" Sabi ko hindi ko alam na sa hotel ko pala gaganapin.

"Okay Mrs.Montenegro bye hahaha see you this coming saturday love you"Sabi niya at binaba.

Hahaha hindi pala nila alam na hiwalay na kami ni Drake at ako at ang asawa ko ang may ari ng hotel kung saan gaganapin ang  high school renioun namin.

Should i repair for this incoming event. Hmm sigurado akong mabibigla sila.

Tinext ko naman si Alice sinabi ko na sabihin sa mga kasama sa meeting na conference room nalang kami mag meeting alam ko sa mga oras na to nagtataka na yon kung bakit don ko sinabi na don nalang ganapin ang meeting.

See you this coming saturday hahaha im sure it will be fun.

---

Vote | Comment

Ohmy may event na pupuntahan si Aya. Hahaha surprise im back sorry sa sobrang tagal na update mga bi 😅.

Sobrang busy lang po 💙.

Btw ! Support niyo naman new story natin "The Billionare's Unwanted Wife" naka publish na po siya 💙.

Thank youuuu ✨

-Ms. Ana 🐼

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon