Pangalawa

203 4 4
                                    

Daxton's Point Of View.

Hi ako nga pala si Daxton Tyler Montenegro, ako ang asawa ni Aya. Sa dalawang taon naming mag-asawa hindi pa kami nabibiyaan ng supling.

Hindi ko nga din alam kung bakit pero hindi naman daw siya gumagamit ng contraceptives.

Isa akong mayaman may business ang family namin at Mayor naman ang aking ama. Nung tumakbo ang aking ama bilang mayor ng aming lugar ay pinamahala niya na sakin ang pagpapatakbo ng negosyo.

Matapos kong lambingin ang aking asawa ako naman ay naghanda upang pumasok na ng trabaho.

Nang makarating ako sa opisina ay tinanong ko agad ang aking sekretarya kung may mga meeting ba ko ngunit ang sabi niya sakin ay may naghihintay daw sakin na isang tao sa loob.

Pagpasok ko naman sa loob ng aking opisina ay nakita kong may babaeng nakaupo sa swivel chair ko.

"Hey , excuse me" Sabi ko humarap naman ito sakin at nakita ko ang sister-in-law  ko na bumalik na galing Taiwan.

"Long time no see baby" Tumayo naman ito at lumapit sakin at siniil ako ng halik. At sinandal sa pinto ng aking opisina.

Narinig ko namang nilock niya ang pinto nito at binaba ang kurtina ng aking opisina.

"Hey , may asawa na ko at asawa ko ang kapatid mo" Sabi ko sakanya ng patigilin ko siya sa kanyang ginagawa.

"Wala akong pakialam kahit mag asawa na kayo. Basta mahal kita matagal na" Sabi nito..

"Kahit maging kabit mo pa ko wala akong pakialam" Dagdag pa nito at hinalikan ako muli wala na kong nagawa at tumugon nalang ako at nangyari na ang nangyari saming dalawa.

--

Hindi na din nagtagal dito si Zia at umalis na din ito ilang ulit naming ginawa ang mga bagay na yon pero iba ang pakiramdam pag first time mo ulit.

Oo tama kayo virgin pa si Zia ang panganay na kapatid ni Aya. Hindi ko maitatanggi na magaling siya pagdating sa kama pero yun ang totoo.

Pero hindi ko na siya matanggal sa utak ko. Alam kong mali ito sobrang mali dahil kapatid siya ng asawa ko at alam kong pag nalaman niya to masasaktan siya.

Pumayag na rin akong mag karoon kami ng relasyon.. wala din naman siyang pakialam kung masaktan niya yung kapatid niya sa ginagawa namin. Pero ang hindi ko pa naiisip na gawin yung maipakilala ako ni Zia sa mga magulang nila bilang kasintahan niya.

Umuwi ako ng bahay nang at naabutan na wala ang asawa ko sa baba tinanong ko naman si Manang kung nasan ito at sinabing nasa taas daw baka naliligo.

Pumasok naman ako ng kwarto pero parang aalibadbaran ako sa mga gamit niyang nakikita ko.

"Hey Love" Tawag pa nito sakin paglabas niya ng cr ay hindi ko na napigilan na siilin siya ng halik hanggang sa may mang-yari saming dalawa.

Mahigit ilang beses din naming ginawa yon pero hindi ko na ramdam ang excitement pag may mangyayari saming dalawa.

Sinabi niya nalang sakin na nagugutom na daw siya at bumaba na kami pero hindi pa kami nakakapasok ng kusina ng tumakbo siya papunta sa banyo dito sa kusina sumunod naman ako at nakita kong nakaluhod siya sa harap ng inidoro at sumusuka.

"Hey love , you okay. You don't like the food don't you" Tanong ko naman sa kanya.

"No hindi yon baka umasim lang yung sikmura ko dahil hindi ako kumain ng tanghalian kanina" Sabi pa nito sakin.

Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Manang.

"Okay ka lang ba iha namumutla ka" Sabi ni Manang sa kanya.

A Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon