PangAnim

221 4 3
                                    

Chapter 6 is here✨.

Sorry if kung may mga typo ha 😅.

--

Aya's Point of View.

Mula nang malaman kong buntis ako uli sa pangalawang anak namin ni Jace . Mas lalong naging masaya ang pagsasama namin ni Jace. Napakalaki din ng pasasalamat ko sa kanya dahil tinanggap niya si Chase bilang totoong anak.

Mahal na mahal ko si Jace sobra. Hindi ito kagaya nung naramdaman ko katulad kay Daxton. Mag kaibang mag kaiba ito.

Ilang araw na din ang nakakalipas simula nung malaman ko ang magandang balita. Sobrang saya ni Jace ng malaman niya na buntis ako at pinabalita na din namin ito sa pamilya niya.

Hindi ko ito pinaalam sa pamilya ko. Dahil simula nung maikasal ako kay Jace naging isa ako sa mga humahawak ng hotel niya at ayun ay nasa pilipinas.

At wala akong balak ipaalam sa pamilya ko dahil pina-imbestigahan ko sila dalawang taon na ang nakakalipas at agad agad ito pinagawa ni Jace sa isa sa mga investigator niya.

Dun ko nalaman na alam pala ng magulang ko na may relasyon si Ate at ang Ex-husband ko. Agad naman ako nun dinaluhan ni Jace at niyakap ako.

Nawala ako sa pag iisip ko ng may boses na nag salita sa likod ko.  "Hey malamig na bat nandito ka pa sa labas ng kwarto natin"Sabi niya at binigyan ako ng roba.

Napatingin naman ako sa kanya matapos niya kong yakapin. "Hindi kasi ako makatulog dala na din siguro ng hormones ko dahil sa pagbubuntis ko" Sabi ko sa kanya. Agad naman niyang hinimas ang medyo umbok ko na tiyan.

"Thank you Hon" Sabi nito sakin.

"Para saan naman niyang thank you na yan hmm"Sabi ko.

"Thank you dahil isa ito sa pinaka magandang regalo na natanggap ko ito kayo ng mga anak natin"Sabi niya.

Sobrang swerte ko kay Jace dahil sa pagtanggap niya sa nakaraan ko at samin ng anak ko dahil minahal niya ito na parang sa kanya .

Hinalikan naman niya ko at ako ay tumugon sa halik na iyon hinila niya ko papasok sa kwarto at sinara ang pinto sa may veranda at hinalikan ulit ako nito.

Naramdaman ko nalang nasa kama na kami at wala na kaming suot na damit.

And the rest is history.

--

Kinaumagahan.

Maaga akong nagising ngayon dahil may pasok ang mag-ama ko ngayon. Yes po Chase is now Kinder sa isa sa mga private school dito sa LA. At si Jace naman mamaya pa ang pasok pero kailangan ko na siyang ipagising dahil 6 am na.

Inutos ko naman iyon kay Manang Sol na gisingin na si Jace at si Chase naman kay Yaya Rebecca.

Inihanda ko na ang agahan naming tatlo at ang mga baon nila. Oo hindi ko kasi masyadong sinasanay si Chase sa pera. At si Jace naman ay pinababaunan ko din ng breakfast at lunch niya.

Nang matapos ako ay siyang baba naman ng dalawang tao sa buhay ko.

"Hi Mommy Good morning" Bati ni Chase sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Goodmorning Anak. Bilisan mo baka malate ka jan ilang minuto nalang dadating na yung school bus mo " Sabi ko dito at tumango naman siya.

"Goodmorning Hon" Sabi ni Jace at hinalikan ako sa labi.

"Goodmorning too , kumain kana yung baon ni Chase nandito na" Sabi ko tumango naman siya at sinalinan ko ito ng kape sa tasa niya.

Sumabay naman ako sa pagkain dahil hindi din ako pwedeng magutom dahil may isang buhay na nasa sinapupunan ko..

Habang kumakain ako bigla akong naghanap ng buko pie . "Hon" pagtawag ko sa atensyon ni Jace.

"Hmm yes hon, may masakit ba ano dadalhin na ba kita sa ospital sinabi ko naman sayo eh sila Manang na bahala jan" Napatigil naman ako at parang gusto ko siyang siilin ng halik.

"Ang OA mo ha. Gusto ko lang naman mag pabili ng buko pie mamaya" Sabi ko.

"Bakit nagutom kayo ni Baby. Hayst akala ko kung ano na napapraning na siguro ako"Sabi nito.

Tumango naman ako bilang sagot at sinabi niya sakin na bibilhan niya ako. Pag uwi niya pinasabay ko na din yung Ice cream at lasagna pero gusto ko si Mommy Carol ang magluluto.

Napanganga naman siya at tumango nalang. Inasikaso niya na din ang sarili niya at naghanda na para umalis.

--

Jace's Point Of View.

Ako nga pala si Jace McCarthy at ako ang asawa ni Aya. Aya is my first love oo siya ang first love ko since nung makita ko siya na parang gusto nang wakasan ang buhay niya.

Napanganga nalang ako sa sinabi niya na gusto niyang si Mommy ang gumawa ng lasagna. Kaya tinawagan ko na ito at sinabi sa kanya na gusto ni Aya na gumawa siya ng lasagna. Natawa nalang ako dahil first time lang din ni Mommy makaranas ng ganito.

Botong boto siya kay Aya at laking pasasalamat ko dahil tinanggap niya ang anak namin ni Aya kahit hindi ito nanggaling sakin.

Alam ko na anak niya yon kay Montenegro at alam ko din ang nakaraan nila.

Sobrang sayang ka Mr.Daxton Montenegro nasayo na pinakawalan mo pa yung babaeng ngayon ay pagmamay-ari ko.

Maraming salamat dahil kundi mo siya iniwan hindi ko siya makikila at hindi ko siya napakasalan.

Nagpaalam na ko sa asawa ko. Napag usapan na din namin na ako muna ang bahala sa hotel na binigay ko sa kanya dahil ayaw kong mastress siya sa mga gawain don. May humahawak naman don sa pilipinas na siyang nag eemail sakin ng mga kailangang gawin or kung may problema don.

Dahil pinauwi ko don ang bestfriend ko na si Lucio Smith. Siya muna ang pinahawak ko ng hotel na niregalo sa Asawa ko.

Nandito na ko ngayon sa McCarthy Empire nang makarating ako sa opisina ko biglang pumasok yung secretary ko. Ayaw ni Aya ng babaeng secretary gusto niya ng lalaki.

"Mr. McCarthy , Mr. Smith caller a while ago he told me to say that he sent an email to you regarding to the Hotel in the Philippines" Sabi ni Rio

"Alright im going to check it" Nagbow naman ito at lumabas na ng opisina.

Nang macheck ko na ito nakita kong isa itong business proposal ni Montenegro.

So may balak pala siyang gawin akong investor ng Montenegro Corp.

Sila ngayon ay pumapangatlo pumapangalawa naman yung Alvarez Corp.

Nireplayan ko naman si Lucio at sinabing ireject iyon. Wala akong paki kung mag padala sila ng mag padala ng Business Proposal nila.

Ayaw ko ng basura sa kumpanya ko.

--

Vote | Comment

Hi kamusta kayo 😂. Sorry sa mga typo na words or grammar ha dapat kagabi pa to kaso inaantok na ko 😂😅.

Sana magustuhan niyo❤.

Thanks for supporting❤.

Lovelots.

-Seniorita.Anaoj❤

A Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon