Hey there Girl!
Thank you for voting on the previous chapters of book 1, pati na din sa pag-comment mo.
At, sa patuloy na pagbabasa nito.
Keep safe:)))))
==========
JHOY'S SIDE
Napasugod sa bahay namin si Zince nang wala sa oras. Buti na lang talaga at nakaalis na si Mhor papuntang office niya kung hindi awkward na naman yung magiging eskena.
Pero okay na din naman ngayon, civil na naman sila sa isa't-isa kaya lang hanggang hi-hello lang talaga sila ngayon.
Malaki naman kasi din yung naitulong ni Zince sa amin. At alam na alam yan ni Mhor. Kung hindi sa kanya, baka wala na kami ngayon.
Thanks to him.
"Nakakainis na yung babaeng yun ha!" -pag-aalburoto sa akin ni Zince.
Sino pa ba?
Eh di yung kinababaliwan niyang "love of her life" niya. Ewan ko ba jan sa kanilang dalawa, parang aso't-pusa lang. Simula kasi nung mangyari yung sampalan portion namin ni Eunice sa parking lot ng isang mall, nung nahuli ako ni Mhor, yun. Simula nun, naging okay na naman silang dalawa.
May pa M.U.-M.U. pa nga silang nalalaman eh. Actually, nanliligaw ulit si Zince kay Eunice. Naiinis na din ako minsan jan kay Eunice parang nasisiyahan na nahihirapan tong bestfriend ko.
Pasalamat siya at patay na patay tong mukong na'to sa kanya.
"Nung isang araw lang tinawagan mo ko kasi kinikilig ka sa kanya, ngayon naman naiinis ka, ano ba talaga? Ang gulo mo Kaps ha!" -sabi ko sa kanya.
"Kasi naman eh! Nagpapaligaw siya sa iba and to think na M.U. na kami. Ang gulo-gulo niya! Ewan ko! Iwanan ko siya eh!" -sabi pa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/4064224-288-k966929.jpg)
BINABASA MO ANG
Book 2: He Is Still A Selfish Man (Completed)
Storie d'amoreMy dream finally came true. Your glances, smiles and kisses are all MINE now. Thank you for that night that changes everything. Cause, finally you look at my direction. ----MRS. EMERALD JHOY S. MONTEVERDE