CHAPTER 19

20.7K 310 13
                                    

This chappy is for you.

Hope you like it!

Keep safe:)))))

===========

JHOY'S SIDE 




Ako na talaga yung kinikilig! 

Promise! The best Valentine 's Day ever! Ang swerte-swerte ko talaga kay Mhor, kahit na sobra akong kinabahan kanina. Okay lang. At least super-duper surprise ako. At take note, hindi ko po alam na Valentines Day pala ngayon. HAHAHAHA. 

Lumilipad siguro utak ko. Kaya naman para makabawi ako kay Mhor, ay ipaghahanda ko siyang special dinner ngayon. 

Pinaalis ko na din muna si Manang Claudia at Manong Reymart. Kaya pala, bumisita dito si Manong Reymart, Valentines Day pala. Kaya ayun, binigyan ko muna sila nang quality time para naman ma-enjoy din nila tong araw na'to. 

I decided to cook Crispy Pata isa kasi yun sa mga paborito ni Mhor, tapos nag pa-order na din ako ng Lechon, but not the whole piece, just some serves. Tapos, I decided to add Adobo kasi nagkaroon ako nang urge na gustong kumain non ngayon.  

Puro pala kami meat nito ni Mhor, so I also decided to make some vegetable salad para naman may light din sa kakainin namin.

Hindi ako nahirapan na lutuin yung Adobo pero nung pagdating na sa Crispy pata, I admit, nagkandapaso-paso talaga ako. Sa kamay, sa braso pati na sa legs ko. Nag-shorts pa kasi ako. Ito tuloy inabot ko. 

But anyways, para kay Mhor naman lahat to eh. Kaya tiis nalang muna ng konti Jhoy.  

Maya-maya nung tapos na ako sa lahat ng lutuin ko ay umakyat na ako sa kwarto namin para makapag-freshen-up. Mag-se-seven o'clock na din kasi. And I received a call earlier from Mhor telling na pauwi na daw siya. 

Matapos kung makapag-shower I decided to wear this cute little dress na color red! Sobra kasi akong nagandahan. And it has some lace design on the back, kaya nagmukhang see-through yung dating niya sa likod. 

Book 2: He Is Still A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon