CHAPTER 17

21.7K 391 36
                                    

Hello Ate!

Happy-Happy Valentines Day sa inyo nang Hubby niyo:))))

HAHAHAHAHA..

Dedicated ko po tong chappy na ito sa inyo. 

Sorry po talaga ate, hindi na atyo masyadong nagkaka-chat sa FB..

Medyo tamabk lang po talaga ako ngayon..

Bawi nalang po.

Keep safe:)))))

==========

JHOY'S SIDE 





Kasalukuyang kumakain si Mhor sa dinner table namin ng breakfast niya. Papasok kasi ito sa trabaho at kailangang maaga siyang pupunta sa office niya kasi may kakailanganin pa siyang tapusin na presentation bago ang magpresent ito sa board members nila. 

Inaasikaso ko lang siya ngayon, katatapos ko nga lang siyang salinan ng kape sa tasa niya.  

"Mhor, dahan-dahan nga sa pagkain. Pwede ba, hindi tatakbo yung office mo." -suway ko sa kanya. Kasi naman parang hindi na niya nginunguya yung kinakain niya. 

Baka sa kakamadali niya mabilaukan pa siya niyan. 

Hindi niya pinansin yung sinabi ko bagkus tumingin pa ito sa wristwatch niya. Tingnan mo to, parang hahabulin ng kung sino sa kakamadali. 

"I really have to go." -seryosong sabi nito bago tumayo at dali-daling kinuha yung suitcase niya. I looked at him weirdly. Grabi! 7:30 pa lang ng umaga pero kung makakilos naman tong si Mhor akala mo sobrang late na. 

"Ganun ba? Ahh. Oh sige hatid nalang kita sa garage." -sabi ko. 

Pagkadating namin dun, tyempo naman na may nag doorbell. 

"Ako na." -sabi ko kay Mhor.  

Agad na akong pumunta sa gate at tiningnan sa monitor kung sino ang bisita namin. It turns out na isang delivery boy. As far as I remember, wala naman akong eni-order. At higit sa lahat wala naman akong naaalala na may magdedeliver ng kung ano man ngayon. 

Book 2: He Is Still A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon