CHAPTER 35

24.4K 320 24
                                        

This chappy is for you girl:)))

I really appreciate your effort kasi nag-comment ka na sa prvious chappy tapos nag-message ka pa talaga sa message board.

Keep safe and thank you:))))

THIRD PERSON POV 






Isang lingo na din ang nakalipas simula nong bumalik na nang tuluyan ang mga alaala ni Jhoy. Naging masaya na din ang pagsasama nila Mhor, at nakabalik na din sa trabaho si Gary. Sa panig naman ni Ian, ayun, magaling na din ito sa mga sugat at pasa na natamo.  

Humingi na din ng dispensa si Jhoy dahil nadamay pa ito sa gulo. Pumayag na naman itong huwag ng magsampa nang kaso kay Mhor. Pero kahit naman magsampa pa ito nang kaso, si Mhor pa din naman ang mananalo. 

Marami siyang kakilala na pwedeng tumulong sa kanya. At alam iyon ni Ian kaya hindi na lang ito sumugal. Humingi na din naman ng paumanhin si Mhor sa kanya dahil na din sa pamimilit ni Jhoy. 

Ngayon kasalukuyang natutulog si Jhoy sa kama nila, habang si Mhor ay kanina pa nagising. Simula kasi nong tumuntong si Jhoy sa ika-anim na buwan ng pagbubuntis nito ay naging maantukin na ito.  

Hinihimas-himas lang ni Mhor yung tiyan ni Jhoy. At natutuwa at napapatawa naman ito sa tuwing may mararamdaman na pagsipa galing sa anak. 

"Mhor, ang gulo mo."-reklamo ni Jhoy sa namamaos na boses. Nagising siguro to sa magalaw na kamay ni Mhor sa tiyan niya at yung pagsipa na din nung baby sa loob ng tiyan nito. 

"Morning."-Mhor whispered to Jhoy's ear at ipinagpatuloy kung ano yung ginagawa nito nung hindi pa nagigising si Jhoy. 

"Mhor, isa!"-ang naiinis na ngayon na si Jhoy. Pano ba naman gusto niya pang matulog pero itong si Mhor ang gulo-gulo lang. 

"The baby loves it!"-ang kontrang pahayag naman nito. Hinalikan nalang nito ang asawa para pambalubag-loob. 

"Tsk."-ang tanging reklamo ni Jhoy at tumalikod sa nanggugulong si Mhor. 

Book 2: He Is Still A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon