You're right girl!
Kuhang-kuha mo talaga yung kinakatakutan ni Mhor.
HAHAHAHA
Enjoy reading and keep safe:)))))
=============
THIRD PERSON POV
Kasalukuyang nag-ba-bake si Jhoy sa kusina. Natutuwa nga siya kasi kahit na wala na siyang maalala eh parang alam na alam nung mga kamay niya kung ano yung kukuning mga ingredients at kung papaano magluto nang Cheese sticks.
Ang sabi kasi ni Manang Claudia sa kanya nung nagtanong ito kung anong paboritong desserts ni Mhor, ang sabi nito ay Cheese sticks. Hindi daw kasi ito mahihilig sa mga mamatamis.
Kaya heto si Jhoy ngayon, sobrang subsob sa kusina. Gusto niya kasing pag-uwi ni Mhor mamaya ay makain nito yung niluto niya.
Simula kasi nang nakauwi siya galing ospital ay hindi pa ito nagluto. Ngayon pa lang. Natatakot kasi siya, na baka hindi pala siya marunong magluto o di kaya baka hindi na niya maalala kung ano yung ilalagay sa mga lulutuin niya.
Malaking tulong naman din si Manang Claudia dahil umaagapay ito sa kanya sa pagluluto. Kung may hindi siya kayang gawin o di kaya may naguguluhan siyang procedure ay ito yung nagtuturo sa kanya.
..Ding.. Dong..
..Ding..Dong..
Nakuha ang atensyon ni Jhoy at Manang Claudia sa tunog ng doorbell nila.
"Ako na. Titingnan ko nalang sa monitor kung sino."-ang maagap na sabi agad ni Manang Claudia. Sa kondisyon kasi ngayon ni Jhoy, hindi pa ito pwedeng mag-gagalaw-galaw pa. Malaki na ang tiyan nito at kabilinbilinan ni Mhor na huwag na huwag papagurin yung asawa niya.
Pero itong si Jhoy naman kahit na nagkaroon na nang amnesia sadyang matigas pa din yung ulo. Hinahayaan nalang muna ni Manang Claudia. Uupo naman ito at magpipirmi sa isang pwesto kapag napagod na.
![](https://img.wattpad.com/cover/4064224-288-k966929.jpg)
BINABASA MO ANG
Book 2: He Is Still A Selfish Man (Completed)
RomanceMy dream finally came true. Your glances, smiles and kisses are all MINE now. Thank you for that night that changes everything. Cause, finally you look at my direction. ----MRS. EMERALD JHOY S. MONTEVERDE