CR

20 3 3
                                    

"Talaga beh, pano mo nasabing may iba sya?" tanong ko kay Eliana habang naghihilamos ng mukha sa cr. Hinuhugasan ko na ang mukha ko tsaka sya sumagot.

"kutob ko kasi meron talaga minsan naiisip ko gusto ko nalang magpakamatay" sagot niya dahilan ng pagdilat ng mata ko at diniretso ang tingin sa kaibigan ko, ngunit pagkalingon ko sa salamin ay ibang babae ang nakita ko. Mahaba ang buhok nya kaya naman ay hindi ko makita ang mukha niya.

Bigla akong napatigil at unti unting nararamdaman ang hindi maipaliwanag na kaba. Dahan dahan ay sinarado ko ang gripo at kahit hindi pa tuluyang nalinis ang sabon sa mukha ay tumalikod ako at pinipigilan ang panginginig nang biglang may bumulong sa akin na nagbigay sa akin ng libo libong takot at kaba.

"Bakit ka aalis agad, hindi mo pa nabanlawan ang mukha mo"

Buong tapang ko siyang hinarap at kahit malapit na akong mahimatay sa takot at naglakas loob parin akong magtanong. "Lumayo ka saken, sino ka nasaan ang bestfriend ko?!"

"Bakit bigla ka atang takot na takot", tanong niya sa palaki nang palaki na boses. " At bestfriend? Hindi ba wala ka noon", dugtong niya na ikinagalit ko.

"Bakit anong alam mo, asan ang bestfriend ko?!"

"Hindi ba, nagpakamatay na ang bestfriend mo 2 years ago?, hindi mo ba ako maalala" sagot niya at unti unting pinakita ang duguan niyang mata.

collection Where stories live. Discover now