Mannequin

11 2 0
                                    

Ako si Isabela Georgina Mortel, at hilig ko ang manika.

Year 1976..

"George puro ka nalang bili ng manika, puno na ng manika ang kwarto mo at anak, labing tatlo ka na, dapat ay alahas ang bibilhin ko sayo", usal ng aking ina. "Inay, mas magandang maglaro ng manika, kahit ganito na ang edad ko mas gusto ko silang kasama kaysa sa tao",salitang lumabas sa bibig ko at ikinabuntong hininga niya.

Year 1979..

"Bakit ganito ang mga gamit mo Isabela, nagdadalaga ka na ngunit ang mga binibili mo ay pambatang manika", kwestiyon ni Maraya. Ang kaibigan ko. " Huwag mo na lamang akong pakialaman sa aking kagustuhan Maraya".

Year 1989..

"Aking a-anak, itigil mo iyan hindi na nakakatuwa ang iyong inaasta, pati ang kapatid mo ay takot na sa iyo", takot na sabi ni inay matapos kong ilagay ang paborito kong manika sa kwarto ng kapatid ko habang siya ay natutulog.

Year 1995..

"La la la la la", himnong ginagawa ko habang pinagmamasdan ang mga manikang nakaharap sa akin ngayon. "Iingatan ko kayo at papadamihin pa hangga't ako'y nabubuhay" masayang dugtong ko.

Present..

Patawad inay, Isam(kapatid), Maraya, kasalanan niyo naman kasi bat kayo nandyan ngayon. Hanggang sa tumanda nalang ako ay mas lumayo kayo sa akin kaya mabuting makita ko rin ang mga mata nyong sa akin nakatutok hanggang sa ako'y mamahinga.

"Hindi ba mga manika ko", bulong ko at tinignan ng may malawak na ngiti sa labi ang pamilya kong bangkay na at dilat ang matang nakatutok sa akin habang nakaupong nakasandal sa lamesa ko katabi  ang mga manika kong nakangiti sa akin.

collection Where stories live. Discover now