Mahilig akong mag drawing, painting at kung ano pang konektado sa art. Ngunit, ang mas nasisiyahan akong gawin ay ang charcoal painting na napagkakakitaan ko rin, mga realistic na tao ang ginuguhit ko at lahat ay natutuwa sa gawa ko.
*knock knock*
"JOSEPHINE BUMANGON KA NA DYAN", sigaw mula sa labas ng pinto ng kwarto ko at para bang dun lang din ako nagising na, nag iimagine nanaman ako.
Hays. Tumayo ako, binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang unang taong ginuhit ko. Si Nanay.
"Jusko kang bata ka, late ka nanaman sa klase niyan. Hindi ka pa naliligo nako naman, bilisan mo nang makakain ka pa bago lumarga". Litanya ni nanay. "Opo", ang tanging sagot ko.
Pagkarating ko sa eskwelahan ay bumungad sa akin ang gwardya sa may gate, siya naman ang pangalawa. "Oh bata asan ang ID mo", tanong ni mang Eduardo sa akin. "Ah eto po," sagot ko sabay pakita ng id kong nasa loob ng bag at hindi ko pala naisuot.
"Pin, oh dumating ka na, may assignment ka sa math bes?", pagkarating ay bumungad sa akin ang tanong na ito ni Martha. Ang bestfriend ko at ang pangatlo. "Hays, di ka nanaman gumawa, oh eto kopyahin mo mabilis".
Mabilis na natapos ang buong araw at pagkauwi ay dumiretso ako sa kwarto ko. Nagsimula nanaman akong mag imagine ng mga ginuhit ko. Maya maya pa ay nakita kong isa isa silang nag sslide sa ilalim ng kama ko. Syempre ay tumalon ako ulit sa tuwa, nakita ko ang tatlong ginuhit ko noon.
Na tototohanin ko sa susunod.
Una ay si Nanay, siya ay nakabestida at nakataling pusod ang buhok, nakatarak ang kutsilyo sa kanyang puso. Pangalawa naman ay si Mang Eduardo, nakangiti siya roon at nakahawak sa ulo niyang butas dahil sa bala. Pangatlo at ang paborito ko sa lahat, si Martha, ang ganda niya! Side view ito at nakahawi ang lahat ng buhok niya sa kabila, umiiyak siya habang nakatutok ang tingin sa dalawang guhit. Si Martha, na kapatid ko pala sa kay nanay at mang Eduardo. Lahat sila ay papatayin ko.
YOU ARE READING
collection
Gizem / GerilimShort stories A/N: trip lang to Thanks sa pinterest for the cover