Sobrang saya ko ngayon, pasko na!
Maraming handa si nanay dahil may malaki siyang natanggap sa trabaho niya. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang trabahong iyon pero masaya ako, atlist ngayon, hindi na kami nagugutom.
Lumabas ako ng kuwarto pagtapos kong bilangin ang napamaskuhan ko. Masayang bumaba nang matantong umabot ito sa isang libo.
Nadatnan ko si nanay.
Tulala siya.
Patakbo akong pumunta sa kanya, niyakap sa likod ngunit hindi siya kumikibo.
Sinilip ko ang mukha ni nanay.
Nakangiti naman siya?
Ang mata niya'y lumalaki, maya maya pa'y nagpatuloy ang itim sa pag-ikot. Nataranta ako at lumayo.
Humarap siya.
Hindi makapagsalitang namutawi ang takot ko sa mga mata. Si nanay, puno ng pasa at sugat.
"I-Inay?"
"Maligayang pasko Emma."
Ah, bigla ko ng naalala. Ako ang pinagtatrabahuan niya. Kapamilya ko naman kaya kapag nagkamali sa pagbigkas ng ritwal, pinararanas ko ang sakit sa malakas na sigaw.
"Maligayang pasko rin po."
YOU ARE READING
collection
Mystery / ThrillerShort stories A/N: trip lang to Thanks sa pinterest for the cover