"Hayy finally nakauwi na", bulong ko pagkatapos dalhin ang kotse sa parking lot. Lumabas ako at nakitang wala ng katao tao sa paligid, malamang dahil ay quarter to 3 na ng madaling araw.
"Ate ate mamamalimos po"
"AY JUSKO!" napatili ako ng may sumulpot bigla na bata, " What the heck are you doing, don't touch me! Umalis ka na nga" , daing ko sa bata.
"Ate sige na gutom na po talaga ak—
" I said get out! Pagod na pagod na ko bata, nagtatrabaho ako hindi para mamigay", pagpuputol ko sa sasabihin nito, pagkatapos ay nagmamadaling pumunta sa elevator.
*Ting
Natulala akong bigla nang bumukas ang elevator at may isang batang nakayuko na parang kamukha ng kanina, tinignan ko pa ang kaninang dinaanan at nakitang wala na ang bata, pumasok ako at tumabi sa gilid dahil ayokong madumihan sa katabi ko. Pinindot ko ang 13th floor at tahimik naman itong umandar, nakikita ko sa peripheral vision ko ang pag-angat ng tingin ng bata paharap, unti unti ay tumagilid ito papunta sa akin at halos hindi na ako makahinga nang pagharap ko rin ay ngumiti ito. Siya ang bata kanina! Paanong nandito na siya?
Pagkabukas ng elevator ay dali dali na akong lumabas nang hindi lumilingon, nararamdaman ko rin ang pangangatog ng binti ko, dala lang siguro ng pagod.
Pagkapasok sa bahay ay tuluyan na akong napasigaw dahil may batang nakatalikod, humarap ito sa akin. "Ate pahingi po ng pagkain".
YOU ARE READING
collection
Mystery / ThrillerShort stories A/N: trip lang to Thanks sa pinterest for the cover