Doorknob

2 0 0
                                    

*knock knock*

Napalingon ako sa pintuan at agad na tumayo para buksan ito sa pag aakalang ito na si Chelsey na kaibigan ko. Pagkabukas ng pinto ay bumungad nga sa akin si Chelsey at agad syang pumasok.

"Uy teh nagdala ka ba ng snacks natin?", tanong ko habang nakatalikod at inilolock ang pinto.

"..."

Walang sumagot kaya humarap ako sa kanya agad. Nakaupo siya sa sofa at nakatalikod base sa aking anggulo. Naglakad ako papalapit at habang lumalapit ay naririnig ko siyang tumatawa mag isa. Nakatingin ata siya sa kanyang cellphone kaya binunggo ko ang sofa para sana ay makadungaw sa pinagtatawanan niya.

Ngunit sa lakas ng pag alog sa sofa ay nahulog niyang bigla ang cellphone at nagkaroon ako ng pagkakataon na mas sumungaw para sana makuha ito.

May litrato.

Ako at siya.

Sa ganitong pwesto, ako na nakadungaw at siya na nakatingin sa gilid ko at nakangiti. Hindi ko alam pero nakakatakot. Habang ako ay nasa ganitong pwesto parin sa kaba, tumunog ang cellphone ko sa bulsa at naging hudyat ko para tumayo. Tumayo man ako at dahan dahang lumayo ngunit ramdam ko parin ang mata ni Chelsey sa akin.

Chelay calling...

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman nang makitang si Chelsey ang tumatawag. Sinagot ko ito kahit natatakot at bumungad sa aming tawag ang isang sigaw.

"Jil tulong! H-hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, malapit na ako kanina dyaan sa inyo pero biglang may humila sa aking hindi ko kilala".

Pagsasalita nito na nagdulot sa akin ng mas malalim na kaba. Napatingin akong muli sa Chelsey na kasama ko. Nabitawan ko ang cellphone ng wala na ito sa upuan at nakahigang nakatihayang naglalakad palapit sa akin. Napasigaw ako at sa isang iglap ay nawalan ng malay.


Nagising ako sa pamilyar na kwarto. Ang kwarto ko. Tinignan ko ang oras at nakitang 6:00 na ng umaga. Inalala ko kung paano ako napunta sa kwarto ko dahil  matatandaan kong kanina ay nasa ibang lugar pa ako.

Chineck ko ang cellphone ko sa tabi at nakita ko ang maraming missed calls ko kay Jil. Napatayo akong bigla ng maalalang namatay ang tawag namin pagkatapos ng kanyang sigaw.

Tinawagan ko siya agad ngunit wala ng sumasagot. Dali dali ay bumaba ako at ginamit na ang bike ko para makapunta agad sa kanila ngunit ang nadatnan ko sa daan pa lamang ay mga taong nag uusap papunta sa building ng bahay ni Jil. Tatakbuhin ko na sana ang harang ng mga pulis ngunit napatigil at nagimbal ng may mahagip sa aking mga mata. Nakita ko ang isang nilalang na kamuka ko at nakangiti siya habang naglalakad paalis at parang walang ibang nakakakita sa kanya maliban sa akin.

Ngumiti siya ng napakalaki na nawawasak na ang kanyang bibig sa laki ng buka. Kahit sobrang takot ay tumakbo ako sa kanya papalapit ngunit tuluyang nasiraan ng bait nang iharap niya ang nasa kamay niya.. ang ulo ng kaibigan ko.

collection Where stories live. Discover now