"Sheina dito na ako ha, mag ingat ka". Pamamaalam ko bago pumasok sa tinitirhan kong apartment. Si Sheina, kaibigan ko, gusto ko sana siyang ihatid sa bahay niya sa kabilang tawid lang kaso kaya na raw niyang itulak ang sarili niyang wheelchair kaya ayun at pumasok na ko sa loob dahil marami pa akong trabahong natambak.
Kinabukasan..
"Omyg grabe ang lala naman ng gumawa niyan"
"Nakakatakot! Ayoko na atang lumabas nito teh"
"Mommmyyy I don't want here I think mamamatay ako sa news"
Samu't saring chismisan ng mga kapitbahay ko pagkalabas ko ng bahay para pumasok sa trabaho.
"Uh excuse me, anong meron bat nagkukumpulan kayo dyaan" sabi ko.
"Hay nakuu Kay-c huwag na huwag ka ng lalabas o uuwi ng gabi, iba na ang panahon ngayon, aba'y si Sheina—
" Po!? Bakit anong nangyari kay Sheina!! " nanginginig kong tanong sabay hawi sa mga kapitbahay at nadatnan kong may mga ambulansya sa tapat mismo ng bahay ni Sheina!
Para akong naestatwa sa aking kinatatayuan at hindi ko magawang lumapit sa bahay niya, sakto namang inalabas ang.. Ang bangkay ni Sheina!?
Tila nakabalik ako sa sarili agad at agad agad na tumakbo para makita kung bakit duguan si Sheila sa puting kumot na nakabalot sa kanyang katawan.
"Sheina bakitt, sheinaaa...
" HAHAHAHAHAHAHAHAHA nako hindi naman, pero salamat", sagot ko kay Gabby habang nagkakatuwaan kami ng aking mga kagroup partners para sa celebration ng matagumpay naming proyekto.
"No really, you deserve everything", nakangiting bulong niya sa akin. Tinawanan ko nalang siya at patuloy kaming naginom hanggang sa mag madaling araw na kaya naisipan naming umuwi na.
"Kay-c", narinig kong may tumawag sa akin habang naglalakad mag isa pauwi.
"Kay-c", luminga linga ako ngunit wala namang ibang tao. Hindi ko nalang pinansin dahil wlaa narin naman, baka guni guni ko lang.
"Kay-c", kinakabahan ay luminga ulit ako at nakita ko, nakita ko ang... ang wheelchair ni..ni Shiena, gumugulong mag isa papalapit ng papalapit sa akin.
Patawad kaibigan.
YOU ARE READING
collection
Mystery / ThrillerShort stories A/N: trip lang to Thanks sa pinterest for the cover