Tummy Tomie

1 0 0
                                    

"Ayumi! Antagal mo na riyan sa cr teh, naiihi na akoo!!", rinig kong angal ni Delilah sa labas, diko kasi alam at bigla nalang sumakit ang tiyan ko, dahil siguro sa rami ng foods sa labas at nagkahalo halo na.

Lumabas ako at naabutan kong nakatayo at nakayuko si Delilah sa labas, tinapik ko siya at lumakad na pabalik sa loob ng party.

Pag-apak sa sahig ay may humablot sa kamay ko. Napalingon ako kay Delilah.

"A-Ayumi?", ang tawag niya sa.. akin?

Bumaba ang kanyang tingin sa aking tiyan at saka natulala ng mahigit sampung segundo bago sumigaw at tumakbo.

Nagtaka ako at pumasok muli sa cr dahil sumasakit na naman ang aking tiyan.

Pagkalingon sa salamin ay siyang pagkagulantang ko.

Malaki ang aking tiyan?

Tumitig pa ako ng ilang sandali at napaatras na lamang nang sumakit itong muli at parang may lalabas na hindi ko maintindihan.

Napasigaw ako sa sakit.

Butas ang tiyan kasabay ng pagsulpot ng ulong duguan.

S-sino to?

"Ako Ikaw", ang tinig nito at pagkatingin kong muli sa salamin, ang ulo ko'y nakalabas sa tiyan at ang leeg ko'y putol.


collection Where stories live. Discover now