"Marie ano ba, buksan mo tong pinto!!", pakiusap ko nang paulit-ulit sa kaibigan kong nagkulong sa cr.
"Iwan mo na nga ako Janine, ang kapal naman talaga ng mukha mong kausapin ako, ikaw ang may kasalanan ng lahat", sigaw niya sa akin sa loob.
"Marie hindi ko alam kung saan mo nakuha ang mga balitang iyan, hindi ako gumagawa ng aksyong alam kong hindi ko naman deserve. Pero alam mo naman na pinaghirapan ko rin yon Marie... please buksan mo to" sagot ko.
Lumipas ang limang minuto, tatlumpung minuto, isang oras hanggang sa maghapon na ay patuloy kong hinintay si Marie habang naririnig ko paminsan-minsan ang pagsulpot ng kanyang hikbi. Hindi ko alam kung bakit iniisip niya na dinaya ko ang agency namin para sa audition na maging idol, inilaan namin ang mga oras namin para doon at alam kong masaya siya kahit sino man sa amin ang makuha. Pero ngayon ay hindi ko na alam.
"Miss", tawag sa akin ng Janitor sa building na ito. "Napansin ko po kasing kanina pa kayo nakatayo na parang may hinihintay dyan, may problema po ba?".
Humakbang ako ng dalawang beses papalapit kay kuya, " Ah opo, hinihintay ko po yung kaibigan ko sa cr", mahina kong bulong at tinuro ang cr kung saan naroon si Marie.
"Huh", tanong ni kuya sa gulat na ekspresyon. "Matagal na pong hindi naaayos ang cr na yan, paano pong nandyaan ang kaibigan niyo?, sigurado po kayo?".
YOU ARE READING
collection
Mystery / ThrillerShort stories A/N: trip lang to Thanks sa pinterest for the cover