Scandal

2 0 0
                                    

Samantha and I live together since college. We are bestfriends and we decided to share the boarding house just near our school. Our school was not so famous with just few students. It's wierd at first because it's quiet big university but then, we still pursue here because we have scholarship and the teaching was quiet good.

Pero hindi nga naman lahat ng maganda, nagtatapos ng maganda.

"Shane diba friend mo si Samantha, nakita mo na ba yung news sa bulletin board natin? Nakakatakot", sambit sa akin ng aking kaklase nang nilapitan niya ako pagkatunog ng bell for our recess.

Nagpaalam si Sam kanina na iihi siya at hanggang ngayon nga ay hindi pa sya bumabalik kaya ay kinabahan na ako at bumaba para tignan ang nangyayari.

Naabutan ko ang maraming taong nakikiusyoso sa bulletin board at nang makalapit ay napahawak nalang ako sa aking bibig sa nakitang larawan. Nakasulat ang buong pangalan ni Samantha sa puting board at kulay pula ang parang dugong likido na nakasulat.

Natatakot na ako ng sobra at tumakbong agad sa kung saan para hanapin ang kaibigan ko.

Sa pagkabalisa ay nakarating na pala ako sa isang lugar na walang katao tao, ang abandonadong lugar ng eskwelahan na pinaniniwalaang dahilan kung bakit kokonti lamang ang estudyanteng pumapasok dito. Nakaamoy ako ng masangsang na amoy at sinundan ito. Napangiti na lamang ako nang makita ang Kaibigan kong wala ng buhay na nakaupo sa upuan.

Naniniwala akong iyan ang napapala niya sa eskandalong balak niyang isiwalat sa pamilya ko, tungkol sa akin at ng boyfriend ko.

At bakit ko ito nagawa?

Dahil ang kaibigan ko ay ang kabit ng boyfriend ko.

collection Where stories live. Discover now