Maaga akong gumising upang magluto ng almusal ko ngayong umaga.
Mag-isa nalang kasi ako sa buhay simula nang mamatay si mama dahil sa heart attack, si papa naman wala, hindi ko siya nakilala kasi ang sabi ni mama iniwan na raw kami ni papa nung isinilang ako para raw sa kabit nito.
Nang matapos akong kumain ng aking niluto ay agad akong naligo at nag ayos para pumasok sa trabaho.
"Para" sigaw ko nang malaman nandirito na ako sa tapat ng building na aking pinag t-trabahuhan.
"Magandang Umaga,Vien" saad ni Kuya Jojo, Guard dito sa pinapasukan ko.
"Magandang Umaga rin po Kuya Jo" bati ko pabalik.
Marami akong nakasalamuha bago ako makapuntang office at gaya nang nakagawian binabati ko sila nang may ngiti sa labi.
"Good Morning,Ma'am Irene" bati ko sa super ganda kong boss na si Ma'am Irene Morro In short Love. Minsan lang mangarap kaya pag bigyan niyo na.
"Likewise,Vien" Saad nito habang ang mga mata ay nakatutok sa kanyang laptop.
Umagang-umaga busy ang mahal ko, kailan kaya mapapagod 'to. Napaka Workaholic kasi nitong babae kahit gabing-gabi na di pa rin niya iniiwan ang mga gawain niya hangga't hindi niya pa ito natatapos.
Pagkatapos niya akong batiin pabalik ay agad na akong pumunta sa office ko para gawin ang dapat kong gawin.
"Vien,make me a coffee" utos nito na agad kong sinunod.
Agad akong pumunta sa canteen at nag timpla ng masarap na kape, syempre ako nag timpla kaya masarap talaga. Nang matapos akong magtimpla ng kape ay pumunta na agad ako sa office niya.
"Here's your coffee,love.I-i mean Ma'am" utal kong saad sapagkat ang aking bibig ay dumulas sa nasabi.
"Hmm,really? Why are you blushing, huh?" ani nito nang may nang aasar na ngiti sa labi.
"Ah,Ma'am I still have works to do so please e-excuse me" saad ko na halatang kinakabahan.
Tumango lang ito kaya nama'y agad akong nagpunta sa aking office para gawin ang papers na ipapapirma sa kanya.
"Argh, Irene Itigil mo pagiging maganda mo. Hulog na hulog na 'ko sa'yo" pabulong kong ani bago maupo sa upuan ko.
"Sure,anything for you,My Love" bulong ni Irene sa aking tenga.
"Grabe talaga Imagination ng aking pandinig kala mo totoo talaga" saad ko pa bago ako lumingon na dapat ay hindi ko ginawa.
YOU ARE READING
My Boss Is My Girlfriend
FanfictionAko si Vienna Florenso,23 years old. May gusto ako sa aking Boss na si Irene Morro simula pa lang nung una ko siyang makita. Kumbaga, love at first sight. Sino ba naman kasi ang hindi mai-inlove kung ganito kaganda ang makikita mo tuwing papasok ka...