Kakagising ko lang mula sa masarap na tulog,paano napanaginipan ko kasi na dinala raw ako sa london ni irene tapos do'n daw kami kinasal.
Kung itatanong niyo naman yung nangyari kahapon well pagkatapos ko kumain sa canteen nakasalubong ko si Ma'am Imee,ayon nag kwentuhan kami slight.
Syempre ang lagi kong nakagawian na gawin. Magluto,Kumain,Maligo at Pumasok.
Nang makapasok ay pumunta agad ako sa office para kunin ang papapirmahan kay Irene.
Ewan ko pero excited ako ngayon sa hindi ko malamang dahilan.
Nang makapasok ako ay magandang ngiti agad ni Irene ang bumungad sa'kin.
Agad itong tumayo at lumapit sa'kin para kuhanin ang mga papers na dala ko. Nilagay niya ito sa kanyang desk at lumapit ulit sa'kin.
"Wala bang Goodmorning Kiss d'yan?",aniya na tila may hinihintay.
Sa pagtataka ko ay nagulat na lamang ako nang nakawan ako nito ng halik.
"Sa susunod hindi na halik ang hihingin ko sayo",saad niya sabay ngiti nanaman.
Grabe ang ganda niya talaga pag naka ngiti,konting-konti na lang susunggaban ko na 'to e.
Nung naibigay ko na ang papers ay pumunta na ko sa canteen upang ipagtimpla siya ng kape.
"Vien,Free ka ba sa Saturday?",agad niyang tanong nung makapasok ako sa office niya.
"Ah,opo bakit po?",tanong ko rito.
"Gusto sana kitang ayain kumain sa bahay ko",sagot nito.
"S-sige po!",agad kong sabi dahil baka magbago ang isip nito at hindi na ako ayain,sayang naman kung ganon.
"Really? Okay Saturday 8pm sa bahay ko",nakangiting saad niya.
Tumango lang ako dito at umalis na dahil marami pa akong kailangan tapusin na papers.
Busy ako sa pagtitipa sa keyboard ko nang biglang tumawag ang friend ko.
[Yuki Chismosa Is Calling]
*On Call*
"Vien! I need your help!",sigaw ng nasa kabilang linya.
"Ano nanamang kailangan mo?",takang tanong ko rito.
"Si Mom kasi pinipilit ako na jowain ko raw yung mayamang kalbo na nakatira do'n sa Morro Village. Eh ayoko naman kasi sayang ang ganda ko diba diba",aniya kaya naman natawa ako.
"Oh,anong gusto mong gawin ko?",tanong ko dito at hindi pa rin maalis ang tawa.
"I want you to find me a man na ipapakilala ko as my boyfriend,para hindi na 'ko kulitin ni Mom",aniya sa nagmamakaawang tono.
"Aba,saan naman ako kukuha ng lalaki para sa kagagahan mong yan",saad ko dito.
Nagulat na lamang ako nang may biglang nagsalita mula sa likod ko.
"May pamangkin akong single,baka gusto niya",pabulong saad ni Irene mula sa likod.
"Really? Thanks Love",masaya kong ani na tila may nakalimutan.
"Oh,meron na akong ipapakilala sayo. Siguraduhin mong aayusin mo pagtrato mo dito,kundi ako sasakal sayo",pagalit kong saad dito.
"Hindi naman ako ganon kamaldita no,napaka ano nito. Siya,libre kita sa Sunday pag maayos yang ibibigay mo",aniya at inend na ang call.
Tatalikod na sana ako nang bigla akong hilahin ni Irene at halikan.
Naramdaman ko ang mainit na haplos ni Irene sa hita ko.
YOU ARE READING
My Boss Is My Girlfriend
FanfictionAko si Vienna Florenso,23 years old. May gusto ako sa aking Boss na si Irene Morro simula pa lang nung una ko siyang makita. Kumbaga, love at first sight. Sino ba naman kasi ang hindi mai-inlove kung ganito kaganda ang makikita mo tuwing papasok ka...