Continuation Of Chapter 7

569 36 5
                                    

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Irene na nakapatong sa aking hita.

Nang matagumpay ko itong naalis ay pumunta ako ng cr upang mabilis na maglinis.

Habang naglilinis ay pilit kong inaalala ang nangyari kagabi ngunit wala talaga,ayaw talaga mag paalala.

Agad kong kinuha ang damit ko na suot ko kahapon kahit maasim na ito.

Ayan ginusto mo yan,magtiis ka ngayon.

Nang lalabas na sana ako ng kwarto ay nagulat na lamang ako nang biglang may yumakap mula sa likod ko.

"Hmm you smell so good,Darling", aniya ng bagong gising na si Irene.

Wala ba 'tong pang-amoy? Kailan pa 'to natutong mag sinungaling?

Agad kong inamoy ang sarili ko pero beh wala,maasim talaga.

Nasukahan ko siguro ito kagabi kaya ganon.

"Darling,what do you want to eat? Egg Sandwich Or Hotdog with Ham?",tanong niya sa sweet na tono.

"uh—",hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang sumabat.

"Or me",dagdag niya.

Agad ko siyang tinignan nang masama. Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa niya sa'kin tapos gaganto-ganto siya? Aba bawal yon.

"No,sa bahay nalang ako kakain. Nakakawalang gana ka kasama sa hapag",saad ko at iniwan siyang nakatulala.

Nang makalabas na ay parang na-guilty ako sa aking sinabi kaya chinat ko nalang siya ng "Goodmorning,I'm Sorry",na agad naman niyang nireply-an.

"Did i do something wrong,Darling?",
reply niya na hindi ko masagot dahil kinilig ako bigla.

My Boss Is My Girlfriend Where stories live. Discover now