Nang makababa na sa parking lot ang elevator,agad akong hinila ni Bongbong kaya naman hindi na ako nakapag paalam kay Irene.
Mahilig sila manghila siguro konti nalang ay mababali na ang kamay ko.
Nag shining shimmering splendid bigla ang mata ko nang huminto kami sa tapat ng isang Lamborghini na kotse.
"Sakay",saad nito sa malamig na tono at pinagbuksan ako ng pinto.
Kaya naman nagmadali akong pumasok at nang makapasok ay binagsak na lamang nito yung pinto.
Kagulat yon ha, pero beh wag ka!Napaka manly ng amoy ng kotse niya.
Oo beh sinasampal ako ng kahirapan yes.
Sa tono ng pananalita niya kanina ay para siyang mafiang strict na nagtatampo sa'kin kasi di ko siya pinapansin.
"What's your name",tanong nito na siya namang sinimangutan ko.
"Why",saad nito bigla sa nag-aalalang tono.
Lakas ng amats nito no,kanina akala mo may galit tapos ngayon gaganto-ganto siya.
"Sa susunod,bago ka magsakay ng babae sa kotse mo. Alamin mo muna name ha",masungit kong sabi dito.
"Nagmamadali kasi ako kausapin si Irene kanina,that's why hindi ko na natanong name mo. Ang ganda mo by the way",aniya at nginitian ako na siyang nagpaparupok saakin.
"Stop the car",namumulang sambit ko dito.
Agad niyang hininto ito sa gilid at kinakabahang tumingin sa'kin.
"W-why? May nagawa ba 'kong mali or nasabing hindi tama? ",takang tanong nito na may pag-aalala sa mata.
"Ah. Eh. Triny ko lang yung mga nababasa ko sa watty. Astig pala sa feeling non",proud kong sabi dito.
"You should never do that again, or else",hindi na nito natuloy ang sasabihin niya nang bigla akong tumuro sa bahay na inuupahan ko.
"Dito na lang po,eto po bayad ko",saad ko at nagkukunwari pang kumukuha ng pera sa gilid ng skirt ko.
Tinawanan lang ako nito at nagmadali bumaba para pagbuksan ako ng pinto.
Nang makababa ako ay hinalikan ako sa pisnge nito na siya namang kinagulat ko.
Beh,why naman kiss lang. Tara sa kwarto,bilis.
"Goodnight kiss",saad nito at patakbong pumunta sa kotse niya.
Tinawanan ko nalang ito at pumasok na,baka kasi ituloy ko yung sinasabi ko. Tapos malaman pa ng baby irene honeybunch ko.
YOU ARE READING
My Boss Is My Girlfriend
FanfictionAko si Vienna Florenso,23 years old. May gusto ako sa aking Boss na si Irene Morro simula pa lang nung una ko siyang makita. Kumbaga, love at first sight. Sino ba naman kasi ang hindi mai-inlove kung ganito kaganda ang makikita mo tuwing papasok ka...