—
Dakota“Ilang araw ninyo na kaming pinapahiya. Bakit ba hindi kayo nagpapasahan? Hindi naman kayo ganito nung nakikipaglaro kayo sa amin, ah. Masyado ba kayong nakampante dahil official members na kayo ng team? Hindi ninyo ba naisip na, kami rin ang magdedesisyon kung paglalaruin namin kayo sa mga official matches? Sa ginagawa ninyong ito, malabo na mapabilang pa kayo sa maglalaro sa tournament.” Ibig sabihin ba nito, hindi makakasali sa camp tournament ang rookies ng Ravens? Kami-kami lang naman kasi nina Nino ang rookies ng Ravens, anim lang kami kung isasama si Sara. At iba ang tournament ng rookies sa seniors. Yung sa seniors nga ay nagsimula na habang kami nagsasanay para sa camp tournament na sisimulan nga sa October. Katatapos lang din ng three months training namin, kaya nagagawa na naming lumabas sa camp.
Ganun pa man, hindi ako katulad nina Nino na kapag nalilibre ay lumalabas agad sa camp. No, instead mas pinipili ko manatili sa camp. Wala rin naman kasi ako iba pang gagawin doon, usually nandito si Anica para ayain ako lumabas pero dahil busy na rin siya ay madalang na lang kami kung magkita.
Tumindi pa ngang lalo ang pagtrain sa amin kaya hindi ko rin masisisi sina Nino, bakit panay ang labas nila sa camp. Pero magulo rin talaga sila, imbis na sulitin ang pahinga ay mas pinipili pa nila na magparty. Kung makainom nga ang mga yun ay parang hindi sila mga athleta. Ang alam ko napagsabihan na rin sila. Bakit hindi raw sila tumulad sa akin. At imbis na mainis nga sila sa akin ay ang mga loko panay ang kulit sa akin na sumama raw ako sa kanila minsan. Huwag daw ako kj. Mga baliw talaga. Parang mga walang pakiramdam, eh. Badtrip pa naman na sa amin mga seniors. Paanong hindi sila mababadtrip, eh, sa tatlong araw na nakipaglaro sina Nino sa ibang rookies ay never sila nagpasahan.
Dahil sa ginagawa nila mas lalo pa kaming napapagod, kasi may parusa na pinapagawa sa amin everytime na maaagawan kami ng bola. Sobrang daming beses ito na nangyari, at sa apat na team sa camp. Team namin ang may pinakamaraming penalty na natanggap. Ano nga ba ang penalty? Patatakbuhin ka lang naman ng limang beses, paikot sa court tapos pagsushootin ka ng limang beses. Dapat sunod-sunod, isang palya at uulit ka sa umpisa. Mukhang easy lang 'di ba? Pero may twist dun, sa bawat turnover madadagdagan ng limang beses ang pagshoot pa. Kaya yung pangalawang beses na maagawan kami ay naging sampu ang bilang na kailangan namin i-shoot ng sunod-sunod. Babalik lang ito sa pagiging lima kapag kami naman ang nakaagaw sa bola.
Sa totoo lang, sa tatlong araw nang pakikipagtraining namin sa iba pang team, ni isang beses ay hindi pa ako naglaro. Ganun pa man, kabilang pa rin ako sa naparusahan. Gusto ko na nga sana pagsabihan si Rize kasi siya yung nanguna sa hindi pagpasa ng bola, eh. Lalo pa nasisira ang laro nila kapag nagsimula na mag-ingay si Sara, kita ko nga na malapit na rin maubos pasensya ni Nino. Kahit si Tres na madalas hindi nagpapakita ng emosyon ay nakasimangot na. Ang natutuwa lang sa amin si Milan. Hindi ko rin siya maintindihan, eh. Siguro masokista siya.
Oo, nga pala. Kasama sa napaparusahan ang seniors kaya nga kami pinapagalitan ngayon. Half-time at nasa locker room kami. Nasa labing lima rin ang lamang sa amin ng Red Hawks, team kung saan kabilang iyong dalawang babae na nanlibre sa akin ng ice cream nung kararating ko pa lang sa camp. I think, Milim at Macy ang pangalan nila. Nginitian ako ni Macy, habang tila hindi naman ako nakilala ni Milim. In fact naninibago pa rin ako sa pinapakita niyang attitude sa loob at labas man ng court. Trashtalker kasi siya. Obvious naman sa mapagmataas niyang tingin na minamaliit niya ang team namin. Sa ilang beses na napanood ko siyang maglaro ay isa lang ang na-realize ko, hindi siya natatakot na tawagan ng foul. Ilang player na ba ang nilabas dahil habang nasa ere ay tila sila toro na sinusuwag ng mas malaking katawan ni Milim? Nakakaawa nga ang mga player na binabangga niya. Kaya ito rin siguro ang rason bakit ayaw ako paglaruin nina Nino. Honestly, naiinis ako sa ginagawa nila. Mukha ba akong crippled? Or maybe they think na kung hahayaan nila ako maglaro ay baka ito na ang huling beses na maglalaro ako? Ganun na ba ako ka-reckless sa paningin nila?
YOU ARE READING
Little Giant
RandomKilala si Dakota bilang Little Giant ng Blackjacks. Ang team na nagkampyon sa junior at highschool national tournament sa volleyball. Ang main players nila ay lahat inimbitahan na magtraining sa Japan Youth Training Camp pero tumanggi sila at pinil...