—
Ikatlong Persona
“I'm fine,” napabuntong hininga na lang si Dakota nang alalayan siya ni Jae na umupo sa bench, pagkatapos i-hinto ang laro dahil nga sa ginawa ni Milim at Ran, nung maglayup si Dakota or subukan rather, ay tinulak siya ni Ran mula sa likod kaya nung pababa namali siya ng landing kaya nawalan siya ng balanse, tapos siniko pa siya ni Milim. Malinaw itong nakita ng lahat, kaya nga sinesermonan yung dalawa at binigyan ng warning na kung hindi aayusin ang ugali nila ay ibaban sila sa Sang Real Camp at sisiguruhin na hindi sila makakapaglaro ng basketball sa University League at hanggang sa grumaduate sila. Hindi naman kasi talaga basta-basta ang connectiong mayroon ang Crimson Knights, now, kung hindi magtatanda ang dalawa talagang sira ang basketball career nila. Si Jae pa ang magsisiguro na kahit internationally magkakaroon sila ng problema, ganun siya ka-protective pagdating kay Dakota.
"Seriously, Jae, I'm fine." Saad pa ulit ni Dakota pero inikot na lang niya ang mata at muling bumuntong hininga nung i-unat at i-bend ni Jae ang left leg niya, tinitingnan talaga na walang masakit sa kaniya. Doon niya lang din napansin na gumasgas pala sa sahig ang kaliwa niyang tuhod kaya pala ganoon na lang ito ka-concern, may suot siyang knee pad at malapit na rin matanggal ang tape nun. Siguradong magkakasugat siya roon kung hindi dahil sa tape at sa knee pad. Anyway, nagkunwari na lang din si Dakota na hindi napansin ang pagsinghap ng mga players at Coach nila na naroroon pagkatanggal ng tape para mapalitan.
Pero hindi naiwasan ni Dakota na sulyapan si Sawyer na namumutla ang mukhang nakatingin sa tuhod niya na may mahabang peklat, animo hiniwa, dahil iyon sa surgery. Tunay na magaling na ang tuhod ni Dakota, pero minsan talagang unconciously niyang hindi pinupwersa ang kaliwang tuhod, hence the taping. And well ganun din si Jae. Mga paranoid pero wala namang masama kung mag-iingat silang dalawa, which is helpful nga lalo na sa nangyari kani-kanina lang.
“Done, sigurado kang okay ka lang?" Bumalik atensyon ni Dakota kay Jae na tinanguan niya bago siya nagsalita.
“Yeah, I can still play." Tumayo na si Dakota at ininat ang kaliwa niyang tuhod, to further show Jae na wala siya maramdamang discomfort or any pain at all. That knee pad totally save her knee from getting any scrape. Though she couldn't say the same thing about her side. Ramdam niya nang may namumuong pasa doon dahil sa siko ni Milim. All in all she's fine.
Bandang huli tumango rin si Jae at muling ni-resume ang laro, pinalitan muna si Nino dahil kahit na pinatigil ang laro, hindi pa rin niya nagawang bawiin yung lakas niya after ng fast pace game magmula nung ipasok si Dakota which is halos 5 minutes pa lang ang lumilipas, plus kanina pa rin naman naglalaro si Nino. As a center na hindi naman niya talaga position, tapos si Milim pa katapat niya na sa lakas at positioning pa lang dehadong-dehado na siya, then nung naging power forward siya sa second half, start ng third quarter. Those 5 minutes was hellish. Ubos talaga tangke ng gas ni Nino. And so paglabas ni Nino, siya namang pasok ni Sara, now playing the center position na hawak kanina ni Milan. Si Milan na ngayon ang power forward. Si Rize pa rin ang small forward, shooting guard si Tres, at point guard pa rin si Dakota. While nilabas naman si Milim, pumalit sa kaniya si Gin na mukhang mas gusto pa matulog kaysa maglaro, nilabas din si Ran at pumalit sa kaniya si Mabini. Parehong matangkad. Well, Center at Power forward ang pinalitan nila, eh, while si Macy pa rin ang katapat ni Rize, Fuentes kay Tres at Sawyer kay Dakota.
Dahil sa foul mayroong 2 free throws si Dakota na walang hirap naman niyang naipasok. Kaya ang score ay 43-52, lamang pa rin ang Red Hawks pero unti-unti nang lumiliit ang gap.
Si Sawyer ang may dala sa bola at binantayan naman siya ni Dakota.
“Para kang nakakita ng multo kanina. Concern ka na niyan, George?” Ngumisi si Dakota at walang sinayang na oras para tapikin palayo sa kamay ni Sawyer ang bola nung tila ito nagulat sa biglaan niyang pagsasalita, nauwi nga lang ito sa pagngiti nang mabilis ding nakabawi si Sawyer, at nahabol siya.
BINABASA MO ANG
Little Giant
DiversosOnce known by a dedicated few as the "Little Giant" of the Blackjacks; the volleyball team that dominated middle and high school nationals, Dakota's path to athletic stardom was abruptly halted by a devastating knee injury in her final year in middl...
