-
Jae
"Kumusta si Dakota?"
"Physically? She's in a lot of pain, alam niyo naman na may katagalan ang paggaling ng mga nabalian. Ang sabihin pa nga lang sa kaniya na eight to twelve weeks ang tinatagal nun ay gusto na agad niya magpadischarge." Sagot ni Clover sa tanong ni Tyson. Pare-pareho na lang kaming napailing kasi alam na, bored na ka-agad si Dakota. Hindi naman namin siya masisisi, masyadong matagal ang twelve weeks, siguradong matatapos ang training ng rookies nang hindi siya kasali.
Hindi na nga siya nakapaglaro nung high school, mapag-iiwanan pa siyang lalo dahil sa new injury niya. Hindi ko na nga maintindihan ang new generation ngayon, oo, noon marami rin ang trashtalker sa amin, nangunguna na nga rito si Tyson, pero wala naman sa amin ang nanadya na manakit sa kapwa naming player.
"Dalhin kaya natin si Dakota sa Luminous? Doon magagamot agad ang injury niya, pero kailangan niya maglaho sa camp pansamantala, dahil marami ang magtataka kung bakit ganoon na lang kabilis na gumaling ang injury niya." Suggestion ni Fox.
"Sino naman ang sasama sa kaniya roon? Hindi tayo puwedeng magtagal doon dahil baka nakakalimutan ninyo, magiging ampunan itong camp, dahil sa atin ipagkakatiwala ng Presidente ang mga anak niya." Paalala ko na ikinabuntong hininga nila. Isa pa kasi itong sakit sa ulo, alam naman ng Presidente na busy kami hindi lang sa pag-asikaso sa camp kundi ang pag maintain na rin ng safety ng Pilipinas sa mga rogue supernatural na either kakapasok lang sa bansa or nandito na talaga sila noon pa man, nagpapalakas lang, pero lately marami ang napapabalita na may mga nakakakita nga sa kanila, mga unusual na pangyayari at mga tao na hindi raw ordinaryo. Kaya nga halos hindi na matulog si Percy kakalinis ng social medias, huwag lang kumalat ang mga ganitong balita.
"Ako na ang sasama sa kaniya." Hindi na ako nagulat sa biglaang pagsulpot ni Mac, lagi naman siyang ganiyan akala mo multo. Pero hindi, bampira kasi siya.
Mali yung twilight eh, o kaya si Dracula, hindi naman ganun kaputlaan ang balat ni Mac, hindi rin pula ang mata niya. Kung tutuusin para lang siyang ordinaryong tao, kaya nga hindi mo agad malalaman kung tao ba talaga yung kausap mo o hindi. Hindi rin sila nasusunog sa sinag ng araw o kikinang na parang disco ball. Pero karamihan sa kanila vulnerable sa apoy. They are immortals, but still killable.
"Kasama ko nga pala si Frio." Frio Cullen, girlfriend ni Mac. At para namang narinig niya ang sinabi ko dahil sinamaan niya ako ng tingin.
"Kababata ko si Frio,"
"Sus, huwag kami Mac, lahat ng kababata mo may gusto sayo. Swerte mo nga eh, royalty ka kaya okay lang na marami kang asawa." Hindi ako nagsabi niyan, si Tyson ang nagsalita. Kapag usapang babae, hindi mananahimik 'yan.
"Uso pa pala yan, ano si Frio, high consort?" Biro naman ni Clover, mga baliw talaga.
"Matik 'yan. Cullen ang apelido, kamag-anak ni Edward." Ni hindi nga totoo ang Twilight. Minsan talaga ang sarap na lang magpanggap na hindi mo sila kilala.
At that point, hindi ko na pinakinggan ang usapan ng dalawa, nanggagago na lang kasi sila. Binalik ko ang atensyon kay Mac.
"Ano nga bang gagawin ninyo sa Luminous?"
"Expand ng business," kibit balikat niyang saad, tumango na lang ako, hindi naman kasi magpapaliwanag 'yan. Kaya nga kami magkasundo kasi pareho kami tipid sa salita.
"Tuturuan niyo ba si Dakota?"
"Depende." Sabagay, hindi pa nga naman nagigising kakayahan ni Dakota. Kapag nagkataon kailangan i-pull out siya sa mga susunod na tournament, dahil hindi naman patas kung makikipaglaro siya sa mga ordinaryong tao 'di ba?
BINABASA MO ANG
Little Giant
DiversosOnce known by a dedicated few as the "Little Giant" of the Blackjacks; the volleyball team that dominated middle and high school nationals, Dakota's path to athletic stardom was abruptly halted by a devastating knee injury in her final year in middl...
