—
Anica
“Daks for three!” Sigaw ko ito siyempre after pumuntos ni Dakota na halos kasisimula lang ng fourth quarter. 57-56 ang score first time na makalamang ng Ravens sa Red Hawks. Pero alam ko naman na mababago rin iyon.
At hindi nga ako nagkamali kasi mabilis na nakabawi ang team ni Sawyer, nung maipasok ang bola mabilis na kumaripas ng takbo si Sawyer sa kabilang court, palipat-lipat sa kanila ni Fuentes ang bola parang one-two sa football. Hanggang sa tumalon nga si Sawyer ng mataas habang parang ginawa niyang leverage balikat ni Sara kaya nga nainis yung isa, di kasi siya naka-contest sa pagdakdak ni Sawyer. 57-58 ang score lamang ulit ang RH.
Tinawanan ko lang si Dakota nung dumaan siya malapit sa puwesto ko at samaan niya ako ng tingin. Ayaw na ayaw niya talaga tinatawag siyang Daks sabagay pangit nga naman ng kahulugan nun. Pero ang cute niya kasi mainis kaya lagi ko pa rin siyang tinatawag na Daks. Saka talaga namang malaki yung ehem 'little me' niya, like hello, sa liit niyang yun? Hindi mo aakalain na may tinatago pala siyang 'excalibur'.
Bumalik atensyon ko sa laro nung mapansin ko si Macy na lumapit sa blind spot ni Daks, balak siguro siyang i-screenan it didn't work though, minsan iniisip ko na may mata talaga sa likod 'tong si Daks. Hindi pa naman hawak ni Sawyer ang bola nung ginamit niya nga screen ni Macy para makawala sa pagbabantay ni Daks, pero si Dakota inikutan lang din si Macy, kaya magkaharap ulit sila ni Sawyer na hawak na nga ang bolang pinasa ni Fuentes, nagulat siguro si Sawyer kaya natapik ni Dakota yung bola. At dinala niya nga iyon sa kabilang court para sa offense nila. Mabilis lang naman na nakasunod ang team ni Sawyer. Hays, nakakapagod talaga back and forth ng basketball, nanonood lang ako nito ah.
Medyo tumaas kilay ko nung mag-ankle break si Dakota, at natumba si Sawyer tapos ang ginamit niyang pangshoot sa bola ay ang kaliwa niyang kamay. Hindi lang ako ang napatingin kay Tyson Andrada. Imahe niya kasi nakita ko sa shooting form ni Daks. Parang real life Midorima lang.
Ilang beses pa naulit ang ganung pag-score ni Daks, wala makapigil sa ankle break niya pero dikit pa rin naman ang score. Palitan na lang talaga sila sa pagscore ng tres. 68-69, Red Hawks ulit lamang. Tatlong minuto pa bago matapos ang game. Talagang lahat sila shooter, kamangha. Heck, kahit yung trashtalker, ano nga ulit pangalan niya? Sara. Yah, Sara nga. Center position niya pero nagawa niya magtres. While puro poster shot or dunk naman kina Gin at Mabini. Infairness ah, walang patapon sa kanila. I mean in terms of skills, halos magkapantay lang sila. While mas kapansin-pansin ang skills nina Sawyer, Rize at Dakota. Kahit pa ayaw niya ng atensyon, sa pinapakita ngayon ni Daks at yung revelation nang pagiging Captain niya ng Blackjacks ay siguradong tapos na ang tahimik ni
niyang buhay. Kawawang Daks.
At para namang nabasa niya yung iniisip ko dahil bigla siyang lumingon sa akin na masama na naman ang tingin. Ano pa nga ba? Sa akin lang naman siya ganiyan, madalas kasi tahimik lang 'to si Daks at wala gaano pinapakitang emosyon, pero hindi siya gaya nung iba na malamig ang pakikitungo sa iba. Kapag naging komportable naman kasi siya sa isang tao, ay tiyak na aasarin ka na niya. Loko-loko rin yun, hindi naman kami magkakasundo kung hindi.
Kinawayan ko na lang si Daks na ikipinalatak ng dila niya. Napahagikhik na lang tuloy ako, nagagawa ko talaga siyang inisin kahit hindi naman kami magkalapit sa isa't-isa.
Naputol lang silent communication namin nang magsimula ulit ang laro. Hindi na ako masyado nagfocus sa ginagawa nila dahil halos salitan na lang naman sa paghawak ng bola at score sina Sawyer, Rize at Dakota. Nakikisali rin iba pang teammates ni Daks, pero mas madalas yung dalawa. While kahit naman natutulungan si Sawyer nina Fuentes ay halata na si Sawyer ang nagbubuhat sa kanila. Pero nakakabilib din ang isang ito kasi kahit na outnumbered siya sa pagscore ay hindi nagagawang palakihin nina Daks ang lamang nila, ibig-sabihin na kahit siya lang ang umi-score sa kanila ay hindi pa rin siya kayang i-shutdown nang tuluyan nina Rize. Ang madalas nga lang na nakakapigil sa kaniya ay si Daks, hindi na ako nabigla sa part na 'yon dahil alam ko naman na bata pa lang ay naglalaro na sila, so kahit na hindi naging maganda ang relasyon nila after ng ginawa ni Sawyer, at nang hindi paglalaro ni Daks nung high school ay mayroon pa rin silang ideya kung paano maglaro ang isa't-isa, kahit pa iba na ang playing style nila. Lalo na si Daks, naikuwento niya kasi sa akin noon na sa larangan ng street basketball ay mas nakilala siya sa mga crossover at drives niya, yung kahit ang liit niya hindi siya natatakot na sumugod sa ilalim para sa loob pumuntos.
BINABASA MO ANG
Little Giant
De TodoOnce known by a dedicated few as the "Little Giant" of the Blackjacks; the volleyball team that dominated middle and high school nationals, Dakota's path to athletic stardom was abruptly halted by a devastating knee injury in her final year in middl...
