—
Ikatlong Persona
“Alright guys, is everyone ready?”
“Yes, Coach!” Ngumiti si Clover at saka tumango.
“Good, makinig kayong mabuti. Twenty kayong lahat, right?” Nang tumango ang mga players doon ay saka pa lang nagpatuloy sa pagsasalita si Clover. “Sa game na gagawin natin ngayon mayroon sa inyo na sampung mababangko. Gusto namin na mamili kayo ng isa o dalawang player na mangongolekta ng data. Pero, mamaya ninyo na ito gawin since hindi ninyo pa naman alam kung sino-sino ang kakampi ninyo. Kami rin ang mamimili ng team captain. Sa game na 'to si Sawyer ang team captain ng Red Team at si Dakota sa Black Team.”
Marami sa players ang nagkatinginan nang marinig ang pangalan ni Sawyer. Ayos lang sa kanila ang bored nitong ekspresyon, ang hindi sa kanila okay ay ang hindi nito pamamasa ng bola sa tuwing nakakalaro nila ito. Oo, nga magaling siya, pero, natatalo sila kasi ayaw nito mamasa kahit pa i-triple team siya, sugod pa rin. Tyson na Tyson ang datingan. Ultimo bola sana ng kakampi niya ay inaagaw niya. Oo, bumalik siya sa ganitong klaseng paglalaro after ng game nila sa Ravens na kasali rin si Dakota, at nung nasa Red Hawks pa si Sawyer.
Samantala...
Iyong mga nakakakilala kay Dakota, gaya ni Nino, Tres, Rize at Milan ay natigilan. Tatlong araw rin kasi nilang hindi nakita si Dakota, nung tinanong nila ang CK ay nasa separate na training daw ito dahil parusa niya raw ito kasi tinago niya tungkol sa mga pasa na natamo niya nung nakipaglaro sila sa RH. Iyon pala ang rason kung bakit kaliwang kamay nito na ang pinanggamit niyang pangshoot ilang minuto bago matapos game. Kaya mas lalong nagiging protective sa kaniya si Jae, eh. Gaya nga ng sabi ni Anica, hindi niya iniingatan sarili niya.
Anyway, sa tatlong araw nga na iyon ay hindi talaga nila nakita ni hibla man lang ng buhok ni Dakota. Naisip pa nga nila na wala talaga sa camp si Dakota. Kung alam lang nila.
Hahanapin na sana nina Nino si Dakota nang tawagin ang dalawang Captain at patayuin sa harap ng Crimson Knights.
“Okay, ito ang rules. Each of you gets to choose nine players. Pakitandaan lang na hindi porket point guard ang position mo ay ganun na rin position mo sa game na ito. Isa iyon sa purpose nitong arrangement. Lahat ng position matatry ninyo, so give your best. Ayaw namin makita na half-assed kayong maglalaro kasi hindi ninyo gusto position ninyo. I hope na nagkakaintindihan tayo. Kayo rin naman kasi ang mapaparusahan kapag tingin namin hindi kayo seryoso.”
“Naiintindihan namin, Coach.”
“Good.” Tumango si Grey, at makikita naman ang paglabas ni Jae ng coin. Pinapili sina Dakota, tails ang pinili niya habang head naman ang kay Sawyer.
Magfi-flip ng coin para malaman kung sino una mamimili ng player. Sa game na 'to si Sawyer ang mauuna, at sasabihin naman ni Hades ang position.
“Since karamihan sa inyo point guard ang position, ito na muna ang uunahin natin.” Isa-isa pa munang tiningnan ni Hades ang rookie players bago siya nagsalita.
“Point guard.”
“Rize at Yuri.” Ang mabilis ding saad ni Sawyer, ni hindi man lang siya nag-abala na tumingin sa paligid. Understandable naman na ang dalawa ang pipiliin niya dahil kabilang sila sa monster generation. Masasabing dream team, ang team kung nasaan ang dalawa. Kabilang din si Sawyer sa monster generation kaya parang overkill na agad ang team nila. Pinagpawisan tuloy ng malapot ang mga hindi pa napipili.
Samantala, wala naman sa dalawang napili ang masaya. Masama pa nga nilang tinitingnan si Sawyer kasi sa nagdaang tatlong araw madalas na sila-sila ang magkakampi tapos pati ba naman ngayon? Si Rize naiinis siya dahil mas nakikipagkompetensya pa sa kaniya si Sawyer kahit na magkakampi naman sila, at bukod pa roon gusto niya ulit makakampi si Dakota. Hindi niya na kailangan ng rason kung bakit. Sadyang mas pipiliin niya pa si Dakota kaysa kay Sawyer. Habang curious naman si Yuri kay Dakota, bukambibig ng players ang taong 'to. Kahit sa page ng Sang Real siya ang pinag-uusapan. Naintriga pa siyang lalo dahil ilan lang ba ang nakakakuha sa interes ni Rize Hideaki? She's probably a good player kasi hindi naman siya pagtutuunan ng pansin ni Rize kung hindi. Inis man ay hindi ito gaano pinakita ni Yuri dahil masusubukan niya pa rin ang kakayahan nito, mas maigi pa nga ata ang ganito na magkalaban sila. Saka niya na ito kakaibiganin pagtapos ng game.
BINABASA MO ANG
Little Giant
RandomOnce known by a dedicated few as the "Little Giant" of the Blackjacks; the volleyball team that dominated middle and high school nationals, Dakota's path to athletic stardom was abruptly halted by a devastating knee injury in her final year in middl...
