—Ikatlong Persona
Napapisil na lang sa bridge ng ilong niya si Kris after marealize ano ginagawa nina Rize at Dakota or lack thereof.
Imbis na tulungan kasi ang isa pa nilang kakampi ay nakatayo lang talaga sa court ang dalawa. May times na sinasalo ni Dakota ang bola just to dribble hanggang sa maubos ang oras kaya naman napupunta ang bola sa kalaban nila. Hindi rin nag-eeffort ang dalawa para dumepensa man lang.
Hanggang sa natalo na nga sila. Hindi tuloy malaman ng red team ano gagawin or sino pipiliin nila. Obviously si Rize ang best choice dahil ito nga ang pinakamagaling sa first year. Pero nagdadalawang isip din sila kasi kung pipiliin nila si Rize makiki-cooperate ba ito sa kanila? In the end pinili na lang nila si Lilith dahil kahit hindi kumikilos ang dalawa niyang kakampi ay determinado pa rin siyang naglaro. Nagawa nga niyang pumuntos ng 11 points kahit pa 3vs1 ang nangyari.
3vs3 dapat ang unang game. Then kung sino mananalo sa game nila, may chance ang panalong team na pumili ng bagong kakampi sa team na natalo. Yung dalawang matitira maglalaro naman sa 2vs2. Kung sino ang mananalo sa game na 'to pipili ulit sila ng magiging third member. Paulit-ulit lang hanggang sa makabuo sila ng team na may 5 members. Yung matatalo sa 2vs2 ay paaalisin sa camp. Kaya nga marami ang tumitingin ng masama kina Rize dahil ano ibig nila ipahiwatig sa ginagawa nila? Kung sina Dakota ang tatanungin, ang sagot ay wala.
Sadyang na-late lang siya at hindi siya nakapagwarm up kaya naman kapag napupunta sa kaniya ang bola ay nagdidribble lang siya hanggang sa maubos oras. Si Rize hindi kumikilos kasi nga wala raw siya gusto makakampi sa nakalaban nila. Buti na lang hindi niya ito sinabi ng malakas dahil siguradong hindi ito magugustuhan ni Lilith. Para siyang sinakripisyo nina Rize, eh.
Nagpractice ng shooting si Dakota after sila bigyan ng 5 minutes rest. Sa second game nila si Nino at Richards ang makakalaban nila. Hindi malayo ang puwesto ng apat pero, kahit na magkakilala si Nino at Dakota ay hindi nila ina-acknowlege ang isa't-isa. Patunay lang na seryoso si Nino at wala ito balak na magbackdown kahit pa medyo mababa ang tsansa nila na manalo. Hindi siya sigurado kung makakasabay siya kapag nagseryoso si Rize. Kahit naman nakita na ni Nino na maglaro si Dakota ay hindi pa rin niya alam extent nang kakayahan nito, since sobrang higpit nga nang pagbabantay sa kaniya ng Crimson Knights, last week.
Ngayon pa lang kasi ulit sila nagkaroon ng match. Puro conditioning ang pinagawa sa kanila, mostly involve dito ang pagtakbo sa Sigmund Hill. Kaya naman kung mapapansin ang babagal nila kumilos, parang may weight bracelet na nakasuot sa wrist nila kasi hindi nila lubusang maiangat ang mga braso. Ang dami nga na sumasablay sa tira nila kung kaya naman ang tagal nila ma-achieve yung 30 points. Ito ang kailangang points para manalo.
"Ready?" Tanong ni Dakota kay Rize habang pinapaikot ang wrist niya. Jump ball kasi at si Rize ang tatalon.
"Whatever." Bored nitong sagot kaya medyo kinabahan si Dakota, lalo pa siyang pinagpawisan ng malamig nang hindi man lang nag-effort sa pagtalon sa jump ball si Rize. Malaya tuloy na napunta kina Nino ang bola.
Si Nino ang tumalon sa jump ball kaya si Richards ang kumuha sa loose ball. Ipapasa niya pa lang ang bola nang mawala ito sa kamay niya. Likuran ni Dakota ang nakita niya then ang bola na nasa ere.
Pareho silang napamura ni Nino nang pumasok iyon. Puntos agad nina Dakota. 3-0 dahil kakalampas pa lang ni Dakota sa half-court line nung tumalon siya. Kumpara sa unang beses niya itong ginawa ay mas confident siya na gawin ang move na 'to ngayon. Parang biglang nawala yung pagod niya sa first shot na iyon.
Isang tingin kay Rize ay agad na napagtanto ng dalawa na wala na naman itong balak na kumilos, kaya mas nagfocus sila kay Dakota. Dino-double team nila ito pero, halata namang hindi ito nahihirapan na kumawala sa pagbabantay nila. In fact, nagagawa lang nila na pabagalin ang pagpuntos nito pero, hindi nila ito kayang i-shut down.
YOU ARE READING
Little Giant
RandomKilala si Dakota bilang Little Giant ng Blackjacks. Ang team na nagkampyon sa junior at highschool national tournament sa volleyball. Ang main players nila ay lahat inimbitahan na magtraining sa Japan Youth Training Camp pero tumanggi sila at pinil...