—
Dakota
Hindi natuloy ang balak ko na maglaro ng basketball kahapon dahil walang tumanggap sa akin. Kesyo ang liit ko raw, na magiging pabigat lang ako. Ang dami talaga feeling malakas sa Pilipinas. Hindi pa nga nila ako nakikita maglaro, eh. Okay sana kung bibigyan muna nila ako ng chance para patunayan sa kanila na mali yung iniisip nila, pero, wala dinidismiss agad nila kakayahan ko.
One of the reason kung bakit inis ako kahapon ay dahil hindi ako pinayagan magtry out ng third string Coach ng team ng SU— tinanggap naman niya ako sa third string pero obvious naman na height din ang hanap nito sa isang player. Iyong mga mediocre player nga na height lang ang lamang sa akin ay agad na napunta sa first string na binabalik din sa second at third string kapag wala silang naipakita na resulta. Iyong mga gaya ko tuloy na pursigido at above average talaga yung skills ay na-stuck sa third string.
Dahil dito namroblema ako paano makakapunta sa Sang Real Training Camp kasi last minute na may binago sina Jae. Imbis na sampu ay limang player na lang ng bawat school ang tatanggapin nila, pero, kung may invitation naman ang player (gaya ko) ay puwede pa rin kami pumunta kahit pa kumpleto na limang player.
Kaya heto ako ngayon. Sa bus ng mga player ng SU. Makikisakay na nga lang ako. Sinundan ko kasi yung babaeng chinita na may sports bag na dala at suot ang jersey jacket niya. Siyempre siniguro ko muna na sa Sang Real nga ang punta nito baka kasi mamaya saan pa ako mapadpad, eh. Hindi pa naman ako marunong magcommute tapos mag-drive. Hindi ako nag-aral. No need naman since may taga-sundo nga ako. Nahiya lang ako tawagan sina Jae dahil alam ko na busy sila. Hindi pa nga ata sila nakakapagpahinga dahil na sakto sa uwi nila galing America ang simula ng Training sa camp. Siya na kasi ang may-ari sa Sang Real pero ang alam ng publiko si Alex ang may-ari, Alex Moore. Siya ang Head Coach nung trainee pa lang sina Jae. Ngayon kasi si Clover na may hawak sa posisyon na yun pero, makikita pa rin naman sa Camp si Alex.
Kahit naman kasi ngayon ko pa lang tatanggapin invitation nila na roon magtraining ay hindi ibig sabihin na ngayon lang din ako makakapunta roon. Ganun pa man kahit pa ilang beses na ako nakapunta sa Sang Real ay hindi ko pa naiikot yun. Ang lawak kaya ng camp. May golf cart saka bike nga na puwede gamitin doon pag malayo talaga pupuntahan nila. Kung ayaw mo naman ng dalawa puwede ka pumunta sa bus stop. Ganun kalawak ang camp.
Wala rin ako time na mag explore dahil kahit hindi sabihin sa akin nina Jae alam ko na nasa camp din ang Blackjacks. In-announce kaya yun nung nagpa-interview sila. Alam ko namang hindi ko sila laging maiiwasan kaya nga hinahanda ko na sarili ko sa magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako sa camp.
“Ah, Coach?” Napakamot sa pisngi niya yung babaeng kanina pa kausap ni Chinita nang lumingon sa kanya ang apat na Coach. Gusto ko sana tumawa kung hindi lang nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa Coach raw nila. Siguro Coach sila sa iba't-ibang sports.
Hindi ko nga pala kasama rito si Anica dahil hindi ko siya ginising. Bahala siya mag-isang pumunta sa camp. Malaki na naman siya, eh. Saka warning na rin ito na huwag niya ako gigisingin sa umaga unless mamamatay na siya o may pinatay tapos involve ako.
“Speak, Santillan.” Ay wow, totoo nga sabi ni Ate April woman of few words talaga 'tong si Coach Aika. Siya lang nakilala ko dahil nakita ko siya sa class picture ni Ate April. Kung ganun siya pala Head Coach ng Silver Lightnings. Sa bata niyang edad aakalain mo na manager lang siya. Sa totoo lang ganito rin ang naisip ko nung una ko siyang makita kung hindi ko pa nga siya nakilala baka may nasabi na ako na ikaka-bad shot ko sa kanya.
“Eh, Coach. 21 yung players na nandito. Sobra ng isa.” Tinuro niya ako kaya na-concious ako bigla sa dami ng matang nakatingin sa akin. Buti na lang hindi tumitig mga Coach still dalawangpung pares pa rin ng mata ang nakatingin sa akin. Hindi ba nila alam na staring is rude?
YOU ARE READING
Little Giant
RandomKilala si Dakota bilang Little Giant ng Blackjacks. Ang team na nagkampyon sa junior at highschool national tournament sa volleyball. Ang main players nila ay lahat inimbitahan na magtraining sa Japan Youth Training Camp pero tumanggi sila at pinil...