Chapter XIV

2K 117 26
                                        

“Hindi ko maintindihan, mag-isa lang si Dakota. Dino-double team na natin siya, pero patuloy niya pa rin tayong nalulusutan. She's too quick. May ideya ba kayo kung paano natin siya mapapabagal?” Ang nag-aalalang tanong ni Yuri pagkatapos nila humingi ng timeout.

Nagkatinginan sina Monique, sa kanilang sampu—dalawa sa kanila ang tila walang narinig. Si Rize imbis na mangamba ay mas lalo pang kumukulo ang dugo sa pagka-excite. Unang beses pa lang na makalaro niya si Dakota ay napasabi na siya na "finally, nagkaroon din ng worthy rival". Nagsisi pa siya noon na nag-enroll siya sa  Golden State University kasi bukod kay Milan ay wala ng player na kayang sumabay sa kaniya. Naisip niya na hindi gaya sa henerasyon ng idolo niyang si Fox ang henerasyon nila ngayon. Pero, mali pala siya. Nandito lang pala kasi sa camp ang mga player na magpapakulo sa dugo niya. At isa na nga rito si Dakota. Gusto niya pang makaharap ito, may pakiramdam kasi siya na hindi pa pinapakita ni Dakota ang totoo niyang kakayahan. Kahit sino naman ata sa kanila never pa pinakita ang totoong kakayahan. Mga naghahanda siguro sila na magpakitang gilas sa simula ng University League. Doon talagang makikita ang totoo nilang galing.

“The same thing you do to slow me down.” Ang sagot ni Sawyer na medyo kinabigla nina Monique. Hindi kasi nakikisali sa discussion 'yan si Sawyer. Madalas na nanonood lang siya at papalatak kapag hindi siya sang-ayon sa plano ng teammates niya.

“You can't.” Mayabang na ngumisi si Sawyer na naging sanhi para mawala ang curiousity sa mukha ni Yuri at mapalitan ito ng deadpan na expression. Napailing na nga lang siya nang tingnan siya ni Sawyer na tila gusto nitong hamunin niya ang sinabi nito. Pinili na lang niya na huwag itong pansinin kahit medyo nainis siya nang ngumiti ito na tila siya nanalo sa lotto.

Samantala, iyong isa na hindi nakikinig kanina ay hindi na rin nakapagtimpi.

Nanunusok ang mata na nagsalita ito, “Anong hindi natin kaya? Sa akin pa lang hindi na uobra ang midget na yun. Hayaan ninyo lang na bantayan ko siya. I'll stop her.” Para namang napahiya si Ran nang sabay-sabay na tumaas ang kilay nina Rize, Yuri at Sawyer. Lalo tuloy tumiim ang bagang niya. Halos mamuti na nga ang kamao niya sa higpit nang pagkakakuyom niya. Tila gusto niyang saktan si Dakota. Kung tumakbo kasi ito sa court parang pagmamay-ari niya yun. Nayayabangan siya rito kahit wala namang ginagawa si Dakota para ikainis niya. Naisip ng mga observer na player doon na ayaw lang ni Ran na masapawan. Kabilang kasi siya roon sa mga player na personal na inimbitahan ng Crimson Knights pabalik sa camp kaya lumaki ang ulo.

“Sige nga, paano mo ito gagawin? Ni hindi mo nga siya mapigilan kapag sumasalaksak siya sa loob tapos ang lakas pa ng loob mo na sabihing kaya mo siya? Hindi ko alam na ilusyonada ka pala,” puno ng sarkasmong saad ni Sawyer halatang hinahamak niya sa tingin si Ran. Muntik pa nga siyang sugurin nito, pero imbis na umatras ay lalo pa siyang ngumisi. Gusto ata talaga niyang mabangasan. Talagang may pagkakatulad sila ni Tyson, napatingin pa nga si Jae kay Tyson na gaya niya nakikinig kina Sawyer. Para siyang natuyuan ng laway nang makita niya ang proud na pagngiti ni Tyson habang nakatingin kay Sawyer. Nalintikan na, mukhang konektado nga ang dalawa. Noon kasi naisipan nila na maghanap ng mga player na personal nilang tuturuan. Akala ni Jae, siya lang ang gumawa nito kasi tamad ang mga kaibigan niya, at ang iba maikli ang pasensya para magturo. Liban siyempre kay Red. Napapaisip nga si Jae kung may pasikreto rin itong tinuruan. Kung mayroon man siguradong hindi magiging madali ang plano ni Dakota na kunin ang championship bilang regalo sa mga senior niya.

Samantala...

Sa puwesto nina Sawyer makikita ang komplikadong ekspresyon sa mukha nina Monique. Talagang hindi nila maintindihan ang iniisip ni Sawyer. Siguro nasa nature na nito ang hamakin ang hindi niya gusto. Kakampi man o kalaban. Gusto sana nila ito pagsabihan dahil masisira lang ang laro nila kung ganito ito lagi. Lalong liliit ang chance nila na iimprove ang teamwork nila kung may gaya ni Sawyer sa team nila. Sa ginagawa kasi niya mas lalo lang niya na nilalayo ang loob sa mga gaya ni Ran, mga mapa-pride kaya mas pipiliin pa na sumugod mag-isa kaysa tulungan o humingi ng tulong sa kakampi.

Little GiantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon