Chapter IV

2.9K 160 25
                                    


-

Ikatlong Persona

"You look worried."

"I am worried," saad ni Kris nang hindi nililingon si Mulan. Napasunod tuloy ang tingin niya sa direksyon nang tinitingnan ni Kris.

Sa bench ng mga trainee mayroong maliit na player doon ang hindi niya pa nakikita maglaro. Hindi kasi ito pinapansin ng iba pang trainee. Mukhang may balak pa silang i-isolate si Dakota.

"Maaga pa naman, siguradong napansin din ng Crimson Knights ginagawa ng iba pang trainee. I pity them 'tho siguradong karamihan sa kanila masisipa. Ginawa ang ganitong joint practice para matulungan ang CK na i-evaluate ang kakayahan nila." Pagsabat na sa usapan ni Jade na nakikinig pala sa pinag-uusapan nila.

"Maganda nga na masipa na gaya nila, para naman challenging games natin kahit practice match lang," sang-ayon din ni Melissa na medyo nakakapanibago kasi madalas na go with the flow lang siya. Tapos ngayon gusto nito ma-challenge? Si Melissa ba talaga ang kaharap nila?

"Uy, Mulan kausap niya kapatid mo." Nang ibalik nga ni Mulan ang tingin niya kay Dakota ay nakumpirma niya ang sinabi ni Jade. Seryoso ngang nag-uusap si Milan at Dakota. Ang mas nakakabigla pa roon maski si Rize nakikinig. Kilala si Rize Hideaki hindi lang sa galing niya sa paglalaro kundi sa kawalan niya rin ng interes sa mga player na tingin niya ay hindi makakasabay sa kanya.

"Ano kayang pinag-uusapan nila?" Bago pa man may makasagot sa kanila ay tinawag na sila nina London na siyang nag-ooversee rin sa training nila. Nakatanggap pa nga sila ng sermon kasi inuna pa raw nila ang pag-uusap imbis na magfocus sa training. Iyon daw ba ang example na gusto nila ipakita sa mga trainee?

Habang bumalik na ang focus nina Kris sa training ay makikita na tumayo na rin si Dakota para lang mag-unat at inayos ang bag niya sa sahig. Dahil may nakaupo sa bench sa sahig na lang siya hihiga. Wala na kasi siyang interes na panoorin pa ang pakikipaglaro ng kapwa niya trainee kina Jae. Halata naman sa mabagal nilang paggalaw na hindi na rin sila magtatagal. Malapit na sila sumuko at wala namang interesante sa mga player na kakampi niya kuno. Nagtawag kasi ang CK kanina since ang dami nga nilang bagong trainee. Nahati sila sa sampung team na may sampu ring player.

Makikipaglaro sila sa CK for ten minutes kapag natalo sila lilipat sila sa kabilang court para makipaglaro pa sa susunod na mananalo. Kapag nanalo sila sa loser court puwede ulit nila i-challenge ang CK then ulit lang kapag natalo na naman sila. Hindi lang sila sa pisikal mapapagod kundi susubukin din nito ang tibay ng mentality nila. Wala pa naman mercy ang CK kasi first game nila 49-07 ang score tapos bago humiga si Dakota umabot sa 100 ang score ng CK habang 26 naman ang sa trainees. Not bad atleast naka-score sila 'di ba?

Papikit na ang mata ni Dakota nang makaramdam siya ng presensya sa gilid niya. Nakatayo na pala sa tabi niya si Tyson at nakangisi nga ito sa kanya.

"Go away," Ginamit pa ni Dakota ang braso para takpan ang mata niya para namang mapapaalis niya talaga si Tyson. Knowing her siguradong gagawa pa ito ng paraan para inisin mga trainee tapos si Dakota gagawin niyang pananggala.

"Red! May nababagot na player dito, oh." Napaupo tuloy si Dakota nang tumigil mga naglalaro at maramdaman niya masamang tingin ng mga naglalaro doon lalo na ng mga kakampi niya kuno. Ilan siguro sa kanila ang nag-iisip na binabastos ni Dakota ang favorite team nila. Ang hindi nila alam antukin lang talaga si Dakota at sanay na sa kanya ang CK.

Little GiantWhere stories live. Discover now