Mabilis kaming umalis ni Gin sa bar nang sabihin ni Fion na nahuli na nila ang traydor. Kinakabahan ako lalo na nang sabihin niyang isa sa pinagkakatiwalaan namin ‘yon. Tahimik lang si Gin habang nasa sasakyan kami at hula ko ay may ideya na siya kung sino ito.
Dumiretso kami sa hideout na malayo sa kinaroroonan ng mansyon. Nang makarating kami roon ay dumiretso agad kami sa underground kung saan naroon sina Fion.
Nang makapasok ay nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. May isang lalaki na nakatali sa electrical chair habang duguan ang bibig at pisnge. Sa tapat nito ay nakatayo si Fellin na pinupunasan ang kutsilyong may dugo, si Fion naman ay nakasandal sa pader habang naka-krus ang mga braso. Nang makita nila kami ay seryoso itong nakatingin kay Gin.
The man who’s sitting on that electrical chair is Tyler Santiago, Gin’s close friend and one of my Father’s trusted butler. Ikinuyom ko ang kamao nang makita siyang nakayuko at hinihingal.
“Are you sure he’s the one?” tanong ko sa kanila.
“Here.” May ibinato sa akin si Fellin. It’s a wiretap device that is used to secretly listen to telephone calls, “nakuha ko ‘yan sa huling telepono mo,” sagot niya na ikinagulat ko. What the heck! Kaya ba madali nilang nalaman ang location ko no’n?!
Maya-maya ay lumapit si Gin kay Tyler. He bended his knees to see Tyler’s face and talk to him.
“Why did you do this?” tanong nito pero umiling-iling si Tyler. Nakita ko ang panic sa mukha nito nang magsalita.
“Hinding-hindi ako gagawa ng ikasisira ng Lauriel.” Nakayuko ngunit mahahalata ang seryoso sa tono nito.
“Oh come on! Kailan ka ba aamin? Huling-huli ka na, magsisinungaling ka pa rin ba hanggang sa huling hininga mo?!” naiinis na sigaw ni Fellin. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila at inoobserbahan ang bawat galaw ni Tyler.
Hindi nakasagot si Tyler. Siguro ay dahil sa pagod at hapdi ng mga sugat nito. Marami siyang galos sa katawan. Gawa ba ni Fellin lahat ng mga ‘yan? Maya-maya ay lumapit siya dito. Tumayo si Gin at pumunta sa tabi ni Tyler.
“Now, tell me where is Matthew and where is he hiding right now,” walang emosyong utos nito. Hindi agad nakasagot si Tyler pero kalaunan ay tumaas ang tingin nito kay Fellin.
“I thought you’re the brain of the group? Why don’t you find him yourself?” asar pa nito kay Fellin na mas lalong nagpainis sa kaniya, “nagawa mo nga akong pagbintangan sa krimeng hindi ko naman ginawa, bakit hindi ka ri—”
“I repeat, where is Matthew Verlian?” ulit niyang tanong na pinutol ang sinasabi ni Tyler.
“Hindi ko ala—AAHHHHH!” napasigaw ito nang biglang itusok ni Fellin ang dagger sa kaliwang hita niya. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang pagmasdan pa ‘yon. Nang makita ko si Fion na walang ginagawa ay nilapitan ko siya.
“Sigurado ba kayo rito?” tanong ko sa kaniya. Nag-aalangan akong tumingin kay Tyler na ngayon ay namimilipit na sa sakit.
“Of course! Hindi kami aabot sa hideout kung walang matibay na ebidensya,” sagot niya at inirapan ako.
“How can you be so sure?”
“You know our sister, she’s not the type of person to trust someone easily. Of course, she investigated Gin,” sagot nito na pinanlakihan ng mata ko. She investigated Gin?! So she still suspect Gin even after hearing his convincing words?!
“She did what?! So she’s implying that she didn’t trust Gin in the first place?!”
“Well, she’s Fellin who lack trusts to people. She even includes us, especially you,” saad nito na nagpalaglag ng panga ko. Pati ako? Ako na muntik na ring mapahamak noong gabing ‘yon? Gosh! Fellin is unbelievable!
BINABASA MO ANG
Awakening Her Bloodlust (Sample)
ActionA family of assassin who does killing, the merciless people who do not spare a single life of their target. This is where Fevianna Lauriel was born. She only wants one thing; to be acknowledged by her Father. But how would she achieve that if she ha...