Chapter 21

6 0 0
                                    

Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. What the hell? Tinatamad pa akong bumangon dahil tatlong oras lang ang tulog ko. Sabado ngayon kaya dapat ay binabawi ko ang tulog ko dahil simula nang pumasok ako sa university ay ilang oras na lang akong nakakatulog. Ang hirap ng kurso ni Ryven, dagdag pang pang-doctor ang sulat niya.

Inis akong napabangon nang makarinig ulit ng katok.

“Ano ba!” sigaw ko. Nang buksan ko ang pintuan ay kinukusot ko pa ang mga mata ko. Pero nang makita ko na kung sino ‘yon ay nagsalubong ang kilay ko.

“Fellin?”

“What the hell happened to you?” iyon agad ang bungad niya sa akin. Siguro ay napansin na nito ang eyebags kong busog na busog.

“This is your fault,” sagot ko.

Paano ba naman kasi, tinambakan kami ng assignments kahit weekends na. Tapos may pinagawa pang project na hindi ko maintindihan kung paano tapos sa lunes ang deadline. Ewan! Nakaka-stress!

“Tss. You don’t really have to study, you know,” saad niya saka walang pasabing pumasok ng kwarto ko.

Tama siya. Hindi ko kailangang mag-aral din dahil hindi naman talaga pag-aaral ang pinasok ko sa university. Pero ewan ko ba, gusto ko ring may matutunan doon para naman hindi masayang ang pagpasok ko sa university kahit saglit lang.

“Ano bang ginagawa mo rito?” tanong ko na lang kay Fellin nang makaupo siya sa kama.

“I want to ask you about Jiro,” panimula niya. Naalala ko na naman ang pangongompronta nito sa akin at malamang ay napanood ‘yon ni Fellin dahil sa camera na nasa ID ko. “There is something with him. Parang mas malawak pa ang kaalaman niya kaysa sa inaasahan ko.”

Tumango ako. Yes, may kakaiba nga sa kaniya. Mas pansin ko ‘yon dahil ako ang nakaharap niya.

“I also noticed that,” sagot ko.

“Now I want you to find out what is his connection with the Verlian,” saad niya na nagpasalubong ng kilay ko.

“Do you think he knows something about them?”

“I don’t know. But that was the reason why I want you to be obvious on your move with Ryven,” sagot niya. Napaawang ang labi ko dahil doon. So pinaghihinalaan niya nang may ibang nakakahalata sa akin at hinihintay lang nito na kumprontahin niya ako? “May posibilidad na may koneksyon ang pamilya ni Jiro sa Verlian, though it’s not yet confirmed.”

Napaisip rin ako. Nabanggit ni Jiro na best friend niya si Ryven so hindi nga malabong may alam siya. At pwede ring habang patalikod kong inaatake si Ryven ay may umaatake na rin pala sa likod ko. Kaya ba parang hindi nababahala si Ryven sa paglapit ko dahil kampante itong may pumoprotekta sa kaniya sa likod? Shit! We need to be more careful.

“By the way.” Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita na naman si Fellin. “I also noticed something different from you,” saad niya. Kumunot ang noo ko habang taka siyang tiningnan.

“What?”

“Naging masayahin ka ata lately,” nakangising aniya. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko habang inaalala ang mga araw na lagi akong tumatawa kasama ang mga kaibigan ni Ryven. Of course nakita niya rin ‘yon dahil nga sa camera na nasa ID ko.

“U-uh…” Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ngayon ko lang din na-realized na nag-iiba nga talaga ako. Hindi na ako ‘yong palaging seryoso at masungit kung kinakausap. Madalas na akong nakangiti ngayon. “P-pinakikisamahan ko lang sila,” sagot ko habang nakaiwas ng tingin.

“Why deny it?”

“Huh?” Taka ko siyang tiningnan. Naroon na naman ang malalamig na mata nito. Tumayo siya mula sa kama saka ako seryosong tiningnan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Awakening Her Bloodlust (Sample)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon