She suffers a lot. Fellin suffered a lot. Imagine, at the age of six, they forced her to remove her emotions. She was locked in the room with no light, just darkness. I know how lonely it was, hindi ko man na-experienced but the thought na mag-isa ka sa dilim, I don’t think I can survive if I am on her place.
Their mom was really strict, you need to always obey the rules or else you’ll be punished. That’s what Gin told me. Compared to me and Fionna, Fellin is already matured. Yeah, mas matured pa siya kung mag-isip kaysa sa amin. Maybe from her experience. Kung bakit siya lang ang nakaranas ng ganoon ay dahil sa nagawa niya noong three years old pa lang siya.
It happened when they’re eating and Fellin suddenly stabbed her yaya with a fork. They were all shocked and when they saw Fellin’s reaction, that’s when they decided.
Hindi ko alam kung anong iniisip ni tita Dionne noong mga panahong iyon. Sarili niyang anak ilalagay niya sa alanganing sitwasyon. I don’t even know if I can call it “luckily” or “unfortunately” noong namatay siya. Dahil hindi ko man lang nakitang umiyak o nalungkot si Fellin, in fact, mas naging malaya pa siya at nakakilos ayon sa gusto niya. But Fionna mourned for her mother.
It’s already seven in the morning but it feels like I only slept an hour. I’m still on my bed, staring at the ceiling. Today is rest day, kagigising ko lang pero mukha na agad akong pagod na pagod. Napatingin ako sa table sa tabi ng kama, nakita ko ulit ang litrato na nakuha ko kagabi. Kinuha ko ito at pinagmasdan.
“They look happy,” I mutter.
Nakangiti ang halos lahat sa kanila maliban lang sa isa, I guess he’s the head of the family. Seryoso ang mukha niya. Ang dalawang batang babae at lalaki naman ay magkaakbay habang malawak ang ngiti. Nakaramdam ako ng inggit. I wish we’re also like this. Maya-maya lang ay biglang nag-ring ang bagong phone ko. It’s my grandma.
“Hi Gran—”
“You spoiled brat!”
Bigla kong inilayo sa tainga ang telepono dahil sa lakas ng boses niya. Tsk, kahit kailan talaga.
“It’s nice to hear you too, Gran. I’m fine, thank you. And oh, I miss you too,” I sarcastically said, rolling my eyes.
“Pasaway ka talagang bata ka, isang linggo pa lang tinatagal ng telepono mo, may bago na naman!” sermon niya kaagad sa akin.
“Yeah, thanks to the traitor,” I said.
“Lumabas ka nga riyan at mag-uusap tayo.”
“We’re already talking, Gran,” walang ganang sagot ko.
“Lalabas ka o sisirain ko ‘tong pinto mo?” Awtomatiko akong napabangon sa sinabi niya. Seriously?! Nandito siya sa mansyon?!
“Isa!” bilang niya. Mabilis akong kumaripas ng takbo sa banyo para magtoothbrush at hilamos. Hindi man siya strikto pagdating sa training, strikto naman siya pagdating sa hygiene kaya hindi ko siya pwedeng harapin nang kagigising lang at wala pang hilamos at mumog.
Halos hindi pa ata umabot ng isang minuto ang ginawa ko, mainipin din kasi siya, mas malala sa ‘kin. Paglabas ko ng banyo ay pumunta agad ako sa pintuan para pagbuksan siya. Excited ako dahil ilang taon din kaming hindi nagkita, though nakakapag-usap naman kami through call pero ngayon lang siya pumunta rito at binisita ako. Hindi kasi sila magkasundo ni Dad kaya hindi niya rin ako magawang bisitahin. Binuksan ko ang pintuan at nakangiti siyang hinarap.
“Good morni—”
Halos madapa pa ako nang bigla niyang hablutin ang kamay ko at hilain palabas. Seryoso? Matanda ba ‘tong kasama ko? Mas energetic pa siya kaysa sa akin.
BINABASA MO ANG
Awakening Her Bloodlust (Sample)
AzioneA family of assassin who does killing, the merciless people who do not spare a single life of their target. This is where Fevianna Lauriel was born. She only wants one thing; to be acknowledged by her Father. But how would she achieve that if she ha...